Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Iwaksi ang terorismo

SHARE THE TRUTH

 352 total views

Mga Kapanalig, habang isinusulat ang editoryal na ito, nagpapatuloy ang bakbakan sa pagitan ng puwersa ng ating pamahalan at ng Maute Group sa lungsod ng Marawi sa lalawigan ng Lanao del Sur. Mahigit 40 na ang nasawi, kapwa sa panig ng mga sundalo’t pulis at ng teroristang grupo. May mga sibilyan ding namatay. Tiniyak ng ating militar na kontrolado nila ang sitwasyon sa lugar. Marami na rin ang nailikas mula sa siyudad patungo sa mas ligtas na mga bayan. Upang maiwasang lumala ang sitwasyon at upang hindi umabot ang gulo sa ibang lalawigan, isinailalim ni Pangulong Duterte ang buong Mindanao sa batas militar.

Nagsimula ang gulo Martes ng hapon nang salakayin ng ating militar at kapulisan ang isang bahay kung saan umano nagtatago ang isang lider ng Abu Sayyaf. Upang makatakas at lalong mahirapan ang puwersa ng pamahalaan, humiling ng tulong ang nasabing lider sa Maute Group, isang grupong nakabase sa Marawi at nais umanib sa Islamic State (na mas kilala bilang ISIS). Nakipagbarilan ang mga miyembro ng grupo sa mga pulis at sundalo, at sinunog pa ang dalawang paaralan, isang bilangguan, at isang simbahan. May labinlimang bihag ang Maute Group, kabilang ang isang paring Katoliko. Lalong natakot ang mga taga-Marawi nang magwagayway ang ilang kasapi ng Maute Group ng watawat ng ISIS.

Ang kaguluhang ito sa Marawi ang pinakahuli sa serye ng panggugulo ng Maute Group na nag-umpisa pa noong 2016. Noong Pebrero hanggang Marso ng nakaraang taon, halos 30,000 taga-Lanao del Sur ang napilitang lumikas matapos magtayo ang Maute Group ng kanilang mga kuta sa lalawigan at pasukin ang kampo ng militar doon. Nang sumunod na buwan, pinugutan nila ang dalawa sa anim na manggagawang kanilang dinukot sa bayan ng Butig; sinunog nila ang munisipyo ng bayang iyon noong Nobyembre. Noong Agosto naman, pinatakas nila ang 50 bilanggo sa Lanao del Sur City Jail, at walo sa mga ito ay kanilang miyembro. Ang Maute Group ang pinaghihinalaan ding nasa likod ng pagpapasabog sa night market sa Davao City noong Setyembre. Tulad ng grupong ISIS at Abu Sayyaf, ang Maute Group ay kumikilos sa anino ng karahasan at pananakot, mga pangunahing sangkap ng terorismo.

Mga Kapanalig, mariing kinukundena ng ating Simbahan ang terorismo. Itinuturing natin itong isa sa pinakabrutal na anyo ng karahasang… naghahasik ng poot, nagdudulot ng kamatayan, at naghihimok ng paghihiganti. Ang terorismo ay tahasang paglapastangan sa buhay ng tao at hindi ito kailanman mabibigyang-katwiran. Ginagawang kasangkapan ng mga terorista ang tao upang makamit ang mga pansariling interes. Ang takot na kanilang pinalalaganap at ang buhay ng mga taong kanilang pinapaslang ay nagsisilbing gatong upang ipagpatuloy ng mga terorista ang kanilang baluktot na mga paniniwala at kasamaan.

Ngunit paalala rin ng mga panlipunang turo ng Simbahan, ang pagtugon natin sa terorismo ay hindi lamang dapat matapos sa pagsupil sa pananakot at gulóng pinalalaganap ng mga terorista. Kailangan nating putulin ang ugat ng terorismo. Kailangan nating hanapin ang mga binhing nagbunsod ng mga hindi katanggap-tanggap at hindi makataong gawain ng mga terorista. Samakatuwid, kaakibat ng pagsugpo sa terorismo ang pananagutan nating lahat na tiyaking mabura ang mga kalagayang nagtutulak sa mga taong kumapit sa karahasan at terorismo.

Mga Kapanalig, ipagdasal po natin sa Panginoon nating si Hesus, ang hari ng kapayapaan,  ang ating mga kababayan sa Marawi, ang mga pamilyang naiipit sa gulo, at ang mga inosenteng binihag ng mga terorista. Isama rin po natin sa ating mga panalangin ang ating mga sundalo’t pulis, at ang ating mga pinuno sa pamahalaan upang mapanumbalik ang kapayapaan sa bahaging iyon ng Mindanao.

Sa ating munting paraan, maging instrumento rin nawa tayo ng tunay na kapayapaan saan man tayo naroroon. Iwaksi natin ang terorismo.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

POGO’s

 16,098 total views

 16,098 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »

Culture Of Waste

 24,491 total views

 24,491 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 32,508 total views

 32,508 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »

Hindi biro ang krisis sa klima

 38,968 total views

 38,968 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »

Maingat na pananalita

 44,445 total views

 44,445 total views Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang isang public school teacher noon na inaresto ng National Bureau of Investigation (o NBI) dahil sa isang social media post tungkol kay dating Pangulong Duterte? Pabiro kasi siyang nag-alok ng 50 milyong piso para sa sinumang makapapatay sa dating pangulo. Walong araw lamang matapos ang post

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

POGO’s

 16,099 total views

 16,099 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Waste

 24,492 total views

 24,492 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trustworthy

 32,509 total views

 32,509 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi biro ang krisis sa klima

 38,969 total views

 38,969 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maingat na pananalita

 44,446 total views

 44,446 total views Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang isang public school teacher noon na inaresto ng National Bureau of Investigation (o NBI) dahil sa isang social media post tungkol kay dating Pangulong Duterte? Pabiro kasi siyang nag-alok ng 50 milyong piso para sa sinumang makapapatay sa dating pangulo. Walong araw lamang matapos ang post

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa simpleng selebrasyon

 40,326 total views

 40,326 total views Mga Kapanalig, Disyembre na!  Magdiriwang na tayo ng Pasko sa loob ng ilang araw, pero bago nito, malamang may mga Christmas party tayong dadaluhan sa ating opisina, organisasyon, o kahit sa ating kapitbahayan. Hindi naman Kristiyanong tradisyon ang mga party na ito, pero naging bahagi na nga ito ng pagdiriwang natin ng Pasko—sayawan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agri transformation

 42,363 total views

 42,363 total views Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agricultural country ngunit ilang dekada na ang problema ng bansa sa food security., Ang agri sector ay may pinakamababang kontribusyon sa gross domestic product (GDP) o ekonomiya ng bansa. Ano ang problema? Sa pag-aaral, ang agricultural sector ng Pilipinas ay hindi umuunlad dahil nahaharap ito sa problema

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong usbong na trabaho para sa Pilipino

 53,392 total views

 53,392 total views Upang maisakatuparan ito Kapanalig, isinabatas ang Green Jobs Act o Republic Act 10771 noon pang taong 2016. Ang green jobs, kapanalig, ay tumutukoy sa mga trabaho na nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang mga trabaho sa renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at iba pang sektor na naglalayong bawasan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Political Mudslinging

 58,165 total views

 58,165 total views Kapanalig, 28-days na lamang ay Pasko na… ito ang dakilang araw ng pagkapanganak sa panginoong Hesus sa sabsaban… panahon ito ng pagmamahalan at pagbibigayan. Sa kristiyanong pamayanan, ang kapaskuhan ay nararapat na banal at masayang paghahanda sa pagdating ng panginoong Hesus… Pero, ang Pilipinas ay nahaharap matinding suliranin… Ngayong 4th quarter ng taong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buksan ang ating puso

 63,632 total views

 63,632 total views Mga Kapanalig, sa pangunguna ng papal charity na Aid to the Church in Need (o ACN), itinalaga ang araw na ito—ang Miyerkules pagkatapos ng Kapistahan ng Kristong Hari bilang Red Wednesday. Araw ito ng pag-alala sa mga Kristiyanong inuusig at pinagmamalupitan dahil sa kanilang pananampalataya. Hindi man ganoon kalaganap ang pang-uusig sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga biktima ng kanilang kalagayan sa buhay

 69,086 total views

 69,086 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Pangulong BBM na makauuwi na ang overseas Filipino worker (o OFW) na si Mary Jane Veloso. Siya na yata ang pinakainaabangang makauwi na OFW mula nang makulong siya sa Indonesia mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Noong 2010, nahuli siya sa isang airport sa Indonesia dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tigilan ang karahasan sa kababaihan

 41,008 total views

 41,008 total views Mga Kapanalig, ngayong Nobyembre 25, ipinagdiriwang ang International Day to Eliminate Violence Against Women. Ginugunita ito sa Pilipinas sa bisa ng Republic Act No. 10398. Sa araw na ito, maging mas maláy sana tayo sa pamamayagpag ng iba’t ibang porma ng karahasan laban sa kababaihan. Maraming uri ang violence against women. Ilan sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 59,522 total views

 59,522 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Government Perks

 68,522 total views

 68,522 total views Kapanalig, 34-araw na lamang at ipagdiriwang na naman natin ang Pasko…Ang pasko ay dapat pagdiriwang sa kapanganakan ng ating Panginoong Hesus… Pero sa mayorya ng mga tao sa mundo, ito ay panahon ng pagbibigayan ng mga regalo. Nawawala na ang tunay na diwa ng pasko, sa makabagong panahon, ito ay nagiging commercial na…hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 70,222 total views

 70,222 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top