“Iwas paputok, Iwas disgrasya, Iwas polusyon” campaign, inilunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,495 total reads

Inilunsad ng environmental justice group na BAN Toxics ang “Iwas Paputok, Iwas Disgrasya, Iwas Polusyon” campaign upang maipalaganap at maisulong ang ligtas at makakalikasang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay BAN Toxics executive director Reynaldo San Juan, Jr., layunin ng kampanya na itaguyod ang karapatan at kaligtasan ng kabataan laban sa pagkakalantad sa mga panganib na dulot ng paputok at polusyon.

Ginanap ang paglulunsad sa Barangay Payatas, Quezon City noong December 10, kasabay ng International Human Rights Day, kung saan nasa 2,000 ang nakilahok kabilang ang mga mag-aaral, kawani, at magulang mula sa Payatas B Elementary School, mga residente at lokal na opisyal, at mga kinatawan mula sa Philippine National Police at Bureau of Fire Protection.

“Let us ensure a safe and responsible holiday celebration this season, one that prevents harm to our children,” ayon kay San Juan.

Batay sa tala ng Department of Health Online National Electronic Injury Surveillance System, patuloy na tumataas ang kaso ng fireworks-related injuries, mula sa 123 kaso noong 2020, tumaas ito sa 189 noong 2021, 307 noong 2022, at umabot sa 609 noong 2023.

Panawagan ng BAN Toxics sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na paigtingin ang pagbabantay at pagkumpiska sa mga ipinagbabawal at mapanganib na paputok upang maiwasan ang muling pagtaas ng mga kaso ng mga nasusugatan dulot ng paputok ngayong taon.

Kabilang sa listahan ng PNP ang mga ipinagbabawal na paputok na Watusi, Poppop, Five Star, Pla-pla, Piccolo, Giant Bawang, Goodbye Bading, Goodbye Philippines, Atomic Bomb, Super Lolo, Hello Colombia, Judas’ Belt, Giant Whistle Bomb, Atomic Triangle, Mother Rocket, Goodbye De Lima, Goodbye Napoles, Coke-in-Can, Super Yolanda, Pillbox Star, Kabasi, at Hamas.

Babala rin ng BAN Toxics sa publiko ang panganib na maaring makuha mula sa pagkakalantad sa mga paputok, tulad ng mga kemikal na cadmium, lead, chromium, magnesium, at nitrates, na maaaring makapinsala sa nervous at respiratory system.

Tiniyak naman ng grupo ang patuloy na pagbabantay laban sa ilegal na pagbebenta ng paputok, at ang pagsusulong para sa ligtas at makakalikasang holday season.

“We will keep promoting safer, eco-friendly celebrations to ensure the health and safety of the public, especially children, during this festive season,” saad ni San Juan.

Patuloy ang panawagan ng simbahang katolika sa lahat ng sektor ng lipunan na magtulungang pangalagaan ang kapaligiran at sugpuin ang mapaminsalang nakasanayan para sa kapakanan ng susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 2,885 total reads

 2,885 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 231,712 total reads

 231,712 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 125,179 total reads

 125,179 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 219,208 total reads

 219,208 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 263,454 total reads

 263,454 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 148,716 total reads

 148,716 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top