Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kahabag-habag na sitwasyon sa NCMH

SHARE THE TRUTH

 433 total views

Mga Kapanalig, nais ni Senador Raffy Tulfo na maimbestigahan sa Senado ang kalagayan ng mga pasyente sa mga pasilidad ng National Center for Mental Health (o NCMH). Ito ay matapos makatanggap ng mga reklamo ang kanyang tanggapan tungkol sa hindi maayos na sitwasyon ng mga pasyente roon.  

Sa ginawang surprise visit ng senador noong ika-27 ng Marso, nakita niya mismo ang kalunus-lunos na estado ng mga pasyente roon. Hindi raw kaaya-aya ang amoy ng mga ward dahil sa dumi at ihi ng mga pasyente. Umaalingasaw din ang amoy ng basurang nakatambak sa labas lang ng ward. Dagdag pa ni Senador Tulfo, sa sahig lamang siksikang natutulog ang mga pasyente. Wala man lang silang banig, kumot, o unan. Mistulang pugon din ang ward sa tindi ng init. Walang maayos na bentilasyon at kulang ang mga electric fans.1  

Sa inihain niyang Senate Resolution No. 562, hinimok ng senador ang Senate Committee on Health na imbestigahan ang kalagayan ng mga pasilidad sa NCMH upang matiyak na nabibigyan ng wastong pangangalaga, paggamot, at suporta ang mga pasyenteng nasa naturang center. 

Matatandaang minsan nang niyanig ng kontrobersya ang NCMH nang masiwalat ang mga iregularidad sa pagpapatayo ng isang pavilion doon. Noong 2019, nagsampa ng graft complaint sa Office of the Ombudsman si NCMH medical chief Dr. Roland Cortes laban kay NCMH chief administrative officer Clarita Avila dahil sa mga construction deals na iginawad sa isang kumpanyang si Avila diumano ang incorporator. Ayon kay Dr. Cortes, may monopolyo si Avila sa mga proyekto sa NCMH.2 Noong Hulyo 2020, pinatay si Dr. Cortez at isang NCMH driver habang sila ay bumibiyahe. Inaresto si Avila matapos siyang ituro ng mga suspek bilang mastermind. Nakadidismayang nilustay ang pondong nakalaan dapat sa pagpapabuti ng sitwasyon ng mga pasyente sa NCMH.  

Nakapaloob sa Principles for the Protection of Persons with Mental Illness ng United Nations na may karapatan ang mga taong may sakit sa isip sa pinakamahusay na serbisyo para sa pangangalaga sa kalusugan ng isip. Dapat bahagi ito ng social and health care system ng isang bansa. Nakasaad din dito na lahat ng taong may sakit sa pag-iisip ay dapat itinatrato nang may paggalang sa kanilang dignidad.3  

Binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan na may angking dignidad ang bawat tao, anuman ang kanyang mentál at pisikal na kakayahan. Bilang bahagi ng isang lipunan, may tungkulin tayo, lalo na ang pamahalaan, na magsumikap na tiyaking namumuhay nang marangal at may dignidad ang mga taong may problema sa pag-iisip. Gaya nga ng sinasabi ni Pope Francis sa Fratelli Tutti, ang paglilingkod ay nangangahulugan ng pagkalinga sa mahihina, para sa mga mahihinang miyembro ng ating mga pamilya, ng ating lipunan, at ng ating bayan.4 Ang mga kapatid nating may kondisyon sa pag-iisip ay isa sa mga pinakamahihinang miyembro ng ating lipunan. Pinabibigat ng katiwalian ang kalbaryong pinapasan nila sapagkat nilalabag nito ang karapatan nila sa makataong serbisyo. Wika nga sa Exodo 23:8, ang katiwalian ay “bumubulag sa tao sa katuwiran at ikinaaapi naman ng mga walang sala.”  

Mga Kapanalig, hindi makatao ang kahabag-habag na sitwasyon ng mga kapatid nating nasa institusyong inaasahang dapat nagpapagaling sa kanila. Paano sila tuluyang gagaling mula sa kanilang mga karamdaman kung pinagkakaitan sila ng mataas na kalidad ng serbisyong pangkalusugan? Matagal nang problema sa NCMH ang nakitang sitwasyon ni Senador Tulfo. Dapat lang na magkaroon ng imbestigasyon nang mapanagot ang mga tiwali at pabayáng opisyal. Higit sa lahat, panahon nang mabigyang-prayoridad ang pagpapabuti sa kalusugang pangkaisipan ng mga pasyente ng NCMH nang sa kanilang lubusang paggaling ay makapiling nila ang kanilang mga mahal sa buhay at makapag-ambag din sila sa ating lipunan.   

Sumainyo ang katotohanan. 

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 15,273 total views

 15,273 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 23,588 total views

 23,588 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 42,320 total views

 42,320 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 58,589 total views

 58,589 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 59,853 total views

 59,853 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 15,274 total views

 15,274 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 23,589 total views

 23,589 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 42,321 total views

 42,321 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 58,590 total views

 58,590 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 59,854 total views

 59,854 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 53,635 total views

 53,635 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 53,860 total views

 53,860 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 46,562 total views

 46,562 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 82,107 total views

 82,107 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 90,983 total views

 90,983 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 102,061 total views

 102,061 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 124,470 total views

 124,470 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 143,188 total views

 143,188 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 150,937 total views

 150,937 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top