Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kahalagahan ng Pagiging Guro

SHARE THE TRUTH

 4,110 total views

Malaking responsibilidad ang pagiging guro, kapanalig. At ang responsibilidad na ito ay napakahirap, lalo na sa panahon natin ngayon kung saan kabi-kabila ang pressures ng tao. Ang mga guro natin ay hindi immune sa mga pressures na ganito. Katulad natin, may mga hamon din sila sa buhay – may mga pamilyang binubuhay at mga problemang iniinda sa gitna ng tuloy tuloy na pagtaas ng cost of living sa ating bayan.

Sa gitna ng mga hamon na ito, hindi dapat mawaglit sa isipan ng mga guro na ang karahasan o violence ay walang puwang sa ating lipunan. At kahit kailan hindi ito magiging tama. Hindi natin dapat binibwelta ang ating tension sa mga estudyante. Dapat ang guro ay modelo ng pasensya at kalawakan ng pag-unawa.

Ang mga guro ay katuwang ng pamilya at lipunan sa pagpapalaki ng ating mga kabataan. Sa murang edad pa lamang, ang mga bata ay nagpupunta na sa mga guro upang matuto. Ang mga guro ang nagiging gabay ng mga bata. Mula sa pagbabasa, pagsusulat, pagbibilang, sa guro ito karaniwang unang natutunan. Pati sa pakikisalamuha sa tao, sa guro din ito natutunan ng maraming kabataan. Sila ang partner ng mga mga magulang at nagsisilbing liwanag na nagbubukas ng kaisipan ng kanilang mga anak.

Sa ganitong papel ng mga guro, sila rin ang nagbubukas ng daan para sa pag-unlad ng bansa. Sa kanilang turo at gabay, nagiging maalam at eksperto ang mga kabataan. Kapag ang guro ay dedicated at tunay na mahal ang kanyang bokasyon, nahuhubog nila ang mga kabataan upang maging produktibong miyembro ng lipunan. Hindi matatawaran ang kanilang papel sa ating bayan.

Kapanalig, ang mga nangyayaring karahasan sa ating mga paaralan, kasama na rin ang mga reports ng grooming at pang-aabuso sa mga estudyante, ay ebidensya na hindi na natin naibibigay ang tamang suporta at pagsasa-ayos sa hanay ng mga guro sa ating mga eskwelahan. Maraming dedicated teachers na overworked na, underpaid pa rin, maraming teachers ang nangangailangan na ng mental health counseling, at marami na ring teachers, hindi natin matatatwa, ang hindi nababagay na makasama pa ng mga kabataan. Baka ito dapat ang tutukan ng Department of Education ngayon.

Dinggin sana natin ang payo nang A Call to Action o ng Octogesima Adveniens, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan: Dadami ang mga taong hindi makahanap ng trabaho at maghihirap sa mga darating na taon kung mamanatili tayong walang konsensya at hindi magsasagawa ng mga mga paraan at pamumuhunan upang maisaayos hindi lamang ang ekonomiya at kalakalan ng bansa, kundi pati ang edukasyon.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trahedya sa basura

 175,089 total views

 175,089 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 196,865 total views

 196,865 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 220,766 total views

 220,766 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 327,616 total views

 327,616 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 351,299 total views

 351,299 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Trahedya sa basura

 175,090 total views

 175,090 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 196,866 total views

 196,866 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Huwag gawing normal ang korapsyon

 220,767 total views

 220,767 total views Mga Kapanalig, kasama nating tumawid sa 2026 ang isyu ng korapsyon. Wala pa ring napananagot na malalaking isda, ‘ika nga, sa mga sangkot

Read More »

Kaunlarang may katarungan

 327,617 total views

 327,617 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 351,300 total views

 351,300 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 207,812 total views

 207,812 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 373,747 total views

 373,747 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 382,376 total views

 382,376 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Pulitika para sa pamilya?

 289,121 total views

 289,121 total views Mga Kapanalig, pabor ka bang ipagbawal na ang mga political dynasties? Sa survey na ginawa ng Pulse Asia isang linggo bago mag-Pasko, lumabas

Read More »

Mga “big fish” naman

 348,145 total views

 348,145 total views Mga Kapanalig, tinanggihan ng Senado ang kahilingan ng mga isinasangkot sa flood control scandal na pansamantalang makalaya para makapagdiwang ng Pasko kapiling ang

Read More »
Scroll to Top