De Salle University at Ateneo de Manila, ginawaran ng Gawad Julian Cruz Balmaceda

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,133 total reads

Tiniyak ni Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) Commissioner Marites Barrios-Taran na buhay ang wikang Filipino at kikilalanin sa lipunan ang paggamit nito higit na sa mga pag-aaral sa pamamagitan ng taunang ‘Gawad Julian Cruz Balmaceda’.

Ito ang mensahe ni Taran sa pagkakaloob ng Gawad Julian Cruz Balmaceda award kay Ferdinand Jarin ng Dela Salle University Manila at Darwin Plaza ng Ateneo de Naga University.

Ayon kay Taran, katangi-tangi ang paggamit nila sa wikang Filipino bilang lenggwahe sa kanilang dissertation o pag-aaral at thesis higit na ngayong nagagamit din ito sa pakikipagtalastasan, sa batas at teknolohiya.

“Maraming salamat po sa pagkakataon ito. Unang-una po, binabati ko ang ating mga nagwagi, no? Katulad ng aking mensahe kanina, ang paggamit ng wikang Filipino sa kanilang mga tesis at desertasyon ay isang patunay na ang wikang Filipino ay isang intelektualisadong wika. At ang ibig sabihin po ng intelektualisadong wika, ang wikang Filipino ay nagagamit na hindi lamang sa mga pang-araw-araw na pagkipagtalastasan, kundi sa mga dominion katulad ng batas, teknolohiya, katulad ng kanina ay disaster management,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Taran.

Iginawad din ang tig-isang daang libong papremyo kay Jarin at Plaza, sa katangi-tangi dissertation o pag-aaral ni Jarin na pinamagatang “Ang Kalyeng Walang Kamatayan: Ang Paglalandas ni Lencio P. Deriada sa Panitikan ng Banwa at Bansa” na tinalakay ang mayamang kultura at panitikan sa Visayas Region.

Habang si Plaza naman na mayroong pinakamahusay na Thesis ng KWF ngayong na pinamagatang ” Gakot at Paglaban sa kalamidad ng mga Partido Erya sa Bicol, Pilipinas” na itinampok ang paghahanda ng mga katutubo sa Bicol Region laban sa mga kalamidad na nararanasan ng Pilipinas.

“Paano po silang makakatulong sa pagpupunyagi natin na maitaguyod at mapaunlad ang kanilang mga akda?, karaniwang aming pinamamahagi,
hindi lamang sa online, kung hindi gumagawa po kami ng mga aklat, na katulad ng nangyari para sa ating awarding ngayon na si Dr. Lovella, meron tayong ubod de asin. Ganyan po ang aming ginagawa upang mahikayat ang ating mga autor na mas pag-igihan pa nila ang pagawa ng mga ganitong akda na makatutulong sa pamayanan,”

Ang Gawad Julian Cruz Balmaceda ay iginagawad taon taon sa mga pinakamahuhusay na pag-aaral at thesis na isinulat gamit ang wikang Filipino para sa mga Pilipinong mag-aaral, kabataan at dalubhasa na mula sa ibat-ibang sektor ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 91,284 total reads

 91,284 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 152,975 total reads

 152,975 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 198,682 total reads

 198,682 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 299,946 total reads

 299,946 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 364,845 total reads

 364,845 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top