VeritasPH

The Word, The Truth

Kakapusan sa supply ng bigas sa Batanes, Pinangangambahan

SHARE THE TRUTH

 194 total views

Nilinaw ni Batanes Bishop Danilo Ulep na pansamantalang nagkaroon ng problema sa bigas ang lalawigan ng Batanes dahil sa masamang panahon.

Ayon sa Obispo, higit na apektado ang isla ng Itbayat dahil hindi nakararating ang mga sasakyang pandagat na magdadala ng suplay sa lugar.

“The situation for a while nagkakaproblema especially in Itbayat. For the past few days now hindi maganda ang panahon kaya walang nakakabiyaheng bangka doon sa Itbayat.” pahayag ni Bishop Ulep sa Radio Veritas.

Kinumpirma naman Obispo na nakapagpadala na ang Pamahalaan ng ilang kaban ng NFA rice sa isla ng Itbayat ngunit ilang araw lamang ang itatagal ng naipadalang tulong.

Sinabi ng Obispo na bagamat may suplay ng bigas sa mainland ng Batanes ay pinangambahang kakapusin ito dahil sa sama ng panahon.

“The NFA rice, the stock is kumokonti na rin, again because of the weather. So there is a Shortage in the sense na paubos na yung stock ng bigas dito sa Batanes but sa awa ng Diyos meron pa namang natitirang konti.” dagdag ng Obispo.

NFA abolition

Naniniwala si Bishop Ulep na hindi madali ang pagtanggal ng ahensya ng gobyerno lalo na kung ito ay nakalaan upang tulungan ang pangangailangan ng mga mahihirap na mamamayan.

Ito ang reaksiyon ng Obispo kaugnay sa panawagan ng ilang Senador na tuluyang alisin ang National Food Authority dahil sa kabiguang gampanan ang tungkuling panatilihin ang sapat na suplay ng abot kayang halaga ng bigas.

Ayon sa Obispo, kung sakaling mapagkasunduan ng mga opisyal ang pagbuwag sa NFA ay dapat may mga hakbang itong titiyak na kayang makabili ng murang bigas ang mga mahihirap.

“In any move to do away with Institutions in Government it will need a lot of study, pero if ever kung tatanggalin yun, then see to it that the concerns of our poor families could really survived and afford to buy commercial rice will be addressed.” pahayag ni Bishop Ulep

Kumbinsido si Bishop Ulep na nakatutulong ang NFA sa pagbibigay ng abot kayang halaga ng bigas lalo na sa mahihirap na sektor na sapat lamang ang kinikita sa pang araw-araw na pamumuhay.

Batay naman sa pagsaliksik ng Bantay Bigas, may 4.3 milyong ektarya ang lupang sakahan sa buong bansa kung saan mahigit 3 milyon dito ay irrigable land ngunit 53 porsiyento lamang dito ang naaabot ng irigasyon habang ang iba ay umaasa sa tubig ulan.

Sinasabi ng Bantay Bigas na may mahigit sa 2 milyon ang mga magsasaka sa bansa patunay na may kakayahan ang Pilipinas na makakapaglikha ng pagkain para sa mamamayan.

Kaisa rin ang Simbahang Katolika sa mga mamamayang nanawagan sa Pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang lokal na produksyon ng bigas sa bansa para matiyak ang suplay nito sa mga pamilihan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 8,185 total views

 8,185 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 16,170 total views

 16,170 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 23,706 total views

 23,706 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 39,692 total views

 39,692 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 47,736 total views

 47,736 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Norman Dequia

Drones na gagamitin sa search at rescue operations, inilunsad

 1,764 total views

 1,764 total views Hinimok ni Pope Francis ang mamamayan na gamitin ang makabagong teknolohiya sa kapakinabangan at kabutihan ng kapwa. Kaugnay nito tiniyak ng DJI Enterprise Philippines ang patuloy na pagpaunlad sa mga kagamitang makatutulong sa lipunan kasabay ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Ayon kay DJI Director Garrick Hung, makatutulong ang drones sa pagpapatupad ng mga

Read More »
Economics
Norman Dequia

Housing program ng administrasyong Marcos, popondohan ng Pag-IBIG fund

 46,023 total views

 46,023 total views Tiniyak ng Pag-IBIG Fund ang pakikipagtulungan sa pamahalaan para isulong ang programang pabahay. Ito ang pahayag ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar kasunod ng pag-apruba ng Pag-IBIG Fund sa 12-bilyong pisong pondo para mahigit siyam na libong pabahay ng National Housing Authority.

Read More »
Economics
Norman Dequia

Pagpapaunlad sa coconut at coffee industry, isinusulong ng mga mamumuhunan

 11,774 total views

 11,774 total views Pinaiigting ng grupo ng mamumuhunan ang pagtulong sa coconut at coffee industry ng bansa. Ito ay kasunod ng pagpapalawak ng distribusyon ng Kaffea at Chocolea sa Amerika upang maabot ang mga Pilipino sa ibayong dagat. Ito ang paraan ng Starkaffea Corporation para tulungan ang mga magsasaka lalo sa Mindanao na mapataas ang kanilang

Read More »
Economics
Norman Dequia

PAG-IBIG, nakapagtala ng pinakamataas na koleksyon

 11,857 total views

 11,857 total views Iniulat ng Pag-IBIG Fund na mas tumaas ang koleksyon ng ahensya mula sa mga programang pautang. Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar, nakolekto ng ahensya ang P31.97 billion mula sa home loan sa unang limang buwan ng 2023 mas mataas ng mahigit

Read More »
Economics
Norman Dequia

Pagtugon sa pangangailangan ng Filipino migrants, tiniyak ni Tulfo

 11,615 total views

 11,615 total views Nangako si Senator Raffy Tulfo na paigtingin ang pagtugon sa pangangailangan ng Filipino migrants. Ito ang mensahe ng Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers sa kanyang pagbisita sa mga OFW sa Dubai kasabay ng pagdiriwag ng Migrant Workers’ Day. Partikular ni tinukoy ni Tulfo ang shelter para sa mga Pilipinong nakararanas ng

Read More »
Economics
Norman Dequia

16-bilyong piso, na-avail na cash loans ng PAG-IBIG members sa 1st quarter ng taong 2023

 11,749 total views

 11,749 total views Ibinahagi ng Pag-IBIG Fund na mahigit sa kalahating milyong Pilipino ang natulungan sa programa ng institusyon sa unang bahagi ng 2023. Ayon kay Pag-IBIG Fund Chairman at Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar halos 16 na bilyong piso ang naipamahagi ng ahensya sa mga miyembrong nag-avail ng cash

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panandaliang tulong sa mga magsasaka, hindi sapat para umunlad ang sektor ng agrikultura

 11,282 total views

 11,282 total views Umapela sa pamahalaan ng pangmatagalang solusyon ang grupong Kilusan para sa Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (KATARUNGAN) para sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura sa bansa. Ayon kay KATARUNGAN Secretary General Danny Carranza, hindi sapat ang panandaliang tulong sa mga magsasaka para mapaunlad ang produksyong titiyak sa food security ng bansa. “Sa kalagayan

Read More »
Economics
Norman Dequia

Bureau of Immigration, naghihigpit laban sa human trafficking

 13,141 total views

 13,141 total views Nilinaw ng Bureau of Immigration na karaniwang dokumento sa pagbiyahe abroad ang kinakailangang dalhin at ipakita sa immigration officer. Ito ang pahayag ni B.I Spokesperson Dana Sandoval sa Radio Veritas kaugnay sa maraming reklamo laban sa immigration officers sa mga paliparan na dahilan ng pagkaantala ng mga pasahero. Ayon kay Sandoval pinaiigting ng

Read More »
Economics
Norman Dequia

Locally-made jeepney, giit ng transport sector

 12,408 total views

 12,408 total views Nilinaw ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o PISTON na sang-ayon ito sa jeepney modernization ngunit dapat hindi ito mag-aangkat sa mga dayuhang bansa. Ayon kay PISTON National President Mody Floranda sa halip na mag-angkat ng mga bagong jeep dapat suportahan ng pamahalaan ang mga gumagawa sa Pilipinas para makatulong

Read More »
Economics
Norman Dequia

Mataas na presyo ng agricultural products, isinisi ni Senator Binay sa administrasyong Marcos

 11,030 total views

 11,030 total views Inihayag ni Senator Nancy Binay na may pagkukulang ang pamahalaan kaya’t nagkakaroon ng suliranin sa agricultural products bawat taon. Ito ang binigyang-diin ng mambabatas sa pagdinig sa senado nitong January 16 sa labis na pagtaas ng presyo ng sibuyas sa mga pamilihan sa bansa. Ayon kay Binay paulit-ulit ang nangyayaring suliraning kinakaharap ng

Read More »
Economics
Norman Dequia

Virtual PAG-IBIG Mobile App, inilunsad

 12,162 total views

 12,162 total views Inilunsad ng Pag-IBIG Fund ang Virtual Pag-IBIG Mobile App na layong pabilisin ang serbisyo sa mga kasapi ng institusyon. Ginawa ito sa ika – 42 anibersaryo ng Pag-IBIG Fund. Inihayag ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar na makatutulong ito sa paglunsad ng

Read More »
Economics
Norman Dequia

38-bilyong pisong kita, inulat ng PAG-IBIG Fund

 11,348 total views

 11,348 total views Malugod na iniulat ng Pag-IBIG Fund ang mataas na kita sa unang sampung buwan ng 2022 na umabot sa 38.06 billion pesos. Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar, ipinakikita nito ang tiwala ng mga Pilipino sa institusyon upang pangasiwaan ang salapi na

Read More »
Economics
Norman Dequia

3-bilyong piso, ibinigay na tulong ng PAG-IBIG sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon

 10,099 total views

 10,099 total views Naglaan ng tatlong bilyong pisong pondo ang Pag-IBIG Fund para sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon. Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar, ito ay inisyal na pondo pa lamang para sa agarang pagtugon sa mamamayan lalo na sa Ilocos Region,

Read More »
Economics
Norman Dequia

Paggamit ng Coconut sugar, isinulong ng local business

 10,354 total views

 10,354 total views Bilang pagkilala at tulong sa mga magsasaka sa bansa, inilunsad ng small-medium enterprise ang produktong gumagamit ang asukal mula sa niyog. Ayon kay Starkaffea CEO Cheng Pabilonia ng Starkaffea Corporation ang Chocolea ay gumagamit ng ‘coconut sugar’ bilang pampatamis na hinahango mula sa coconut farmers sa buong Pilipinas. Bukod sa makakabuti sa kalusugan,

Read More »
Economics
Norman Dequia

Maganda at epektibong public transportation, tugon sa hindi mapigilang oil price hike

 10,045 total views

 10,045 total views Isinusulong ng transport advocates ang pagpapaganda sa pampublikong transportasyon sa bansa bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Sa panayam ng Veritas Pilipinas kay AltMobility PH Executive Director Ira Cruz, naniniwala itong mabawasan ang paggamit ng sasakyan ng mamamayan kung may maayos at maginhawang public transportation lalo na sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top