Kalayaan sa pagpapahayag, hindi dapat gamiting dahilan sa paglapastangan sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,406 total reads

Iginiit ng Diocese of Legazpi na ang imahe ng Panginoong Hesus, mga awitin at sacred symbols ay mahahalagang bagay sa kristiyanong pananampalataya.

Ayon kay Bishop Joel Baylon dapat na bigyan ng ibayong pagpapahalaga at paggalang ang mga bagay tungkol sa Panginoon at pananampalataya.

“They should never be treated as mere objects of amusement or entertainment. They deserve our deepest reverence and respect,” bahagi ng pahayag ni Bishop Baylon.

Ito ang tugon ng obispo tungkol sa viral drag performance ni Pura Luka Vega na inaawit ang Ama Namin sa isang party habang nakasuot ng damit ng Nuestro Padre Jesus Nazareno.

Binigyang diin ni Bishop Baylon na ang pagpalapastangan sa mga bagay na may kaugnayan sa Panginoon ay tahasang pambabastos sa Diyos.

“Freedom does not grant individuals the license to do whatever they please in the name of expressing their conscience. Freedom entails responsibility, and my freedom ends where another person’s rights begins,” giit ni Bishop Baylon.

Hamon ng obispo sa mga mamamayan na mayorya ang mga katoliko na igalang ang mga sagradong kagamitan ng simbahan tulad ng Bibliya, mga imahe, kasuotan gayundin ang mga pook tulad ng simbahan at kapilya.

Umaasa ang opisyal na maging aral sa bawat isa ang pangyayari upang mas tutukan ang pagpapalalim sa pananampalataya at mga kaugnay na bagay na angkop sa mga pagdiriwang.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 6,900 total reads

 6,900 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 7,028 total reads

 7,028 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 13,351 total reads

 13,351 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 69,757 total reads

 69,757 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 193,258 total reads

 193,258 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 278,058 total reads

 278,058 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top