Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kalayaan sa pamamahayag

SHARE THE TRUTH

 1,008 total views

Mga Kapanalig, sa kanyang talumpati noong nakaraang linggo sa pagdiriwang ng World Press Freedom Day, sinabi ni UN Secretary-General Antonio Guterres na ang press freedom o kalayaan sa pamamahayag ay ang pundasyon ng demokrasya at hustisya. Nakasalalay dito ang lahat ng ating mga kalayaan. Ngunit sa buong mundo, patuloy ang mga banta at lantarang pag-atake sa press freedom. Patuloy ang pagbabaluktot sa katotohanan katulad ng disinformation at hate speech. Patuloy ang pangha-harass, pananakot, pagkulong, at pagpatay sa mga journalists. Ayon nga sa New York Times, kapag gumuho ang malayang pamamahayag, tiyak na kasunod nito ang pagguho ng demokrasya. 

Kumusta nga ba ang press freedom sa Pilipinas? 

Batay sa Press Freedom Index ng Reporters Without Borders, tumaas ng labinlimang puwesto ang Pilipinas sa ranking ng 180 na bansa. Mula sa ika-147 na puwesto noong 2022, naging ika-132 na ito ngayong 2023. Sinusukat ng Press Freedom Index kung gaano kalaya ang pamamahayag sa isang bansa. Sa madaling salita, bahagyang bumuti ang press freedom sa Pilipinas ngunit nananatili pa rin itong mapanganib para sa mga mamamahayag. 

Ang pagpapawalang-sala kay Nobel Peace Prize winner Maria Ressa sa kasong tax evasion noong Enero ay itinuturing na tagumpay at pag-asa para sa katotohanan sa kabila ng malagim na sitwasyon ng press freedom sa bansa. Gayunpaman, sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr., naitala ng National Union of Journalists of the Philippines ang 60 kaso ng press freedom violations. Kasama rito ang hindi pa nareresolbang pagpatay noong nakaraang taon sa mga broadcasters na sina Rey Blanco at Percy Lapid. Nananatili ring nakakulong ang journalist na si Frenchie Mae Cumpio na inaresto noong 2020 sa Tacloban. Ang hindi makatarungang pag-aresto sa kanya ay isa lang sa maraming kaso ng paglabag sa press freedom sa Pilipinas. 

Ayon pa sa Global Impunity Index ng Committee to Protect Journalists, ang Pilipinas ang ikapito sa pinakamapanganib na bansa para sa mga mamamahayag. Ang patuloy na paglaganap ng fake news, red-tagging, harassment, pati na ang pag-aresto base sa gawa-gawang mga kaso at pagpatay sa mga kritiko ng gobyerno ay malinaw na pag-atake sa press freedom. Nagdudulot din ito sa tinatawag na chilling effect kung saan nagkakaroon ng self-censorship hindi lang sa mga journalists kundi pati na rin sa mga kasapi ng tinatawag na civil society na kinabibilangan naman ng mga nagtataguyod ng karapatang pantao at malinis na pamamahala. Nagiging laganap ang takot sa pagbabalita at pagtalakay ng mga sensitibong isyu, lalo na kung ito ay tungkol sa mga kakulangan, kapabayaan, at katiwalian ng gobyerno. 

Dahil sa pagtaas ng mga kaso ng pagbabanta, pag-atake, at pagpatay sa mga journalists at human rights defenders sa Pilipinas, nanawagan noong 2022 ang mga bansang kasapi ng United Nations Human Rights Council sa administrasyong Marcos, Jr. na tugunan ang laganap na impunity sa bansa. Mag-iisang taon na sa puwesto si PBBM, pero marami pa itong kailangang gawin at patunayan upang masiguro ang ligtas at malayang pamamahayag. 

Ang World Press Freedom Day ay nakaugat sa pagkilala sa freedom of speech o expression bilang tagapagsulong ng mga karapatang pantao. Kaakibat nito ang pagkilala sa katotohanang hindi basta-bastang nakabatay sa idinidikta ng mga may kapangyarihan at impluwensya. Sa Fratelli Tutti, idiniin ni Pope Francis na dapat nating matutunang ilantad ang iba’t ibang paraan ng pagmamanipula, pagbabaluktot, at pagkukubli sa katotohanan. 

Mga Kapanalig, kinikilala natin sa Simbahan ang mahalagang papel na ginagampanan ng media at ng mga mamamahayag sa paghahatid ng katotohanan at pagbibigay-boses sa mga nasa laylayan sa kabila ng mga panganib na kaakibat nito. Suportahan natin ang pagsusulong sa malayang pamamahayag nang maisiwalat ang katotohanang ayon nga sa Juan 8:32 ay magpapalaya sa [atin]. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 5,736 total views

 5,736 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 13,836 total views

 13,836 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 31,803 total views

 31,803 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 61,168 total views

 61,168 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 81,745 total views

 81,745 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 5,737 total views

 5,737 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 13,837 total views

 13,837 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 31,804 total views

 31,804 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 61,169 total views

 61,169 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 81,746 total views

 81,746 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 85,000 total views

 85,000 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 95,781 total views

 95,781 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 106,837 total views

 106,837 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 70,699 total views

 70,699 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 59,128 total views

 59,128 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 59,350 total views

 59,350 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 52,052 total views

 52,052 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 87,597 total views

 87,597 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 96,473 total views

 96,473 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 107,551 total views

 107,551 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top