Sama-samang pagdarasal, sandata laban sa kasamaan ng Satanic temple

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,420 total views

Hinimok ng Military Ordinariate of the Philippines ang mananampalataya na paigtingin ang pagdarasal upang labanan ang mga kasamaang lumalaganap sa pamayanan.

Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio kinakailangan ang taimtim na pananalangin sa Panginoon para wakasan ang mga gawaing naglalayo sa ugnayan ng Diyos at ng tao.

Ito ang tugon ng obispo sa ginanap na SatanCon ng Satanic Temple sa Boston Estados Unidos noong Abril.

“Tayo ay magdasal palagi ng rosaryo every day. We need to pray without ceasing because the devil is just prowling lion ready to devour,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Tinukoy ni Bishop Florencio ang iba’t ibang gawaing laganap sa pamayanan na nagpapahina sa pananampalataya na isang paraang siluin ang tao tungo sa landas ng kadiliman.

Sa ginanap na pagtitipon nilapastangan ng grupo ang mga sakramento, ang katawan ni Kristo at ang Bibliya kung saan nakalathala ang mga Salita ng Diyos.

Una nang humiling ng panalangin sa mananampalataya ng Office of Exorcism ng Archdiocese of Manila para sa kahalintulad na mga gawain ng SatanCon na lubhang mapanganib sa espiritwalidad ng tao.

Partikular na tinukoy ng Office of Exorcism ang St. Michael Chaplet kung saan si St. Michael the Archangel ang tinaguriang lumalaban sa kasamaan.
Ang Chaplet of St.Michael ay tinatawag ding Rosary of Angels na inaprubahan ni Pope Pius IX noong 1851.

Ilan sa mga grasyang matatanggap sa pagdarasal ng chaplet ang pagtatanod ng mga anghel tuwing tumatanggap ng Banal na Komunyon, at ang patuloy na paggabay ng mga anghel sa buhay at kamatayan ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 25,379 total views

 25,379 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 75,393 total views

 75,393 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 71,262 total views

 71,262 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 106,990 total views

 106,990 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 114,162 total views

 114,162 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top