Kamara, suportado ang panawagang #OpenBicam

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,926 total reads

Ipinahayag ng liderato ng Kamara ang buong suporta sa panawagan na buksan sa publiko ang mga deliberasyon ng bicameral conference committee, bilang bahagi ng mas malawak na reporma sa proseso ng pambansang badyet sa nalalapit na pagbubukas ng ika-20 Kongreso sa Hulyo.

Layunin ng kampanyang #OpenBicam na gawing bukas at transparent ang huling bahagi ng deliberasyon ng Kamara at Senado sa pambansang badyet—isang yugto na kadalasang hindi na nasasaksihan ng publiko.

Kabilang naman sa iminumungkahi ni House Speaker Martin Romualdez, ang pagla-livestream ng bicam hearings upang mabigyan ng real-time access ang publiko at iba’t ibang sektor, at mapalalim ang kanilang pag-unawa at pagsusuri sa paggamit ng pondo ng bayan.
“Transparency and accountability must be the cornerstones of the budget process,” ayon kay Speaker Romualdez.

“I support the move to make bicameral conference committee discussions open to the public. This is a crucial step in restoring public trust and ensuring that the national budget truly reflects the will and welfare of the people.”

Iginiit din ng pinuno ng Kamara na ang mga repormang naisulong noong ika-19 na Kongreso, lalo an ang pagpapasa ng mga panukalang nagpapalakas sa transparency at accountability, ay nagsilbing matibay na pundasyon para sa mas bukas na pamamahala.
Tiniyak din niya ang pakikipagtulungan sa mga kasamahan sa Kamara at Senado upang maisabatas at maging bahagi ng institusyon ang adbokasiyang #OpenBicam.

Bilang panawagan, hinikayat ni Romualdez ang mga civil society organizations, akademya, media, at bawat mamamayan na aktibong makilahok, makinig, at magsubaybay sa buong proseso ng pagbuo ng pambansang badyet, bilang bahagi ng kanilang karapatan at responsibilidad bilang mamamayan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 13,920 total reads

 13,920 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 14,047 total reads

 14,047 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 25,310 total reads

 25,310 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 81,716 total reads

 81,716 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 205,217 total reads

 205,217 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 289,341 total reads

 289,341 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 13,921 total reads

 13,921 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 14,048 total reads

 14,048 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top