Kampana para sa halalan 2022, ilulunsad ng Caritas Philippines sa ika-9 ng Mayo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 788 total reads

Nakatakdang makibahagi ang iba’t ibang diyosesis at arkidiyosesis sa bansa sa panawagang Kampana para sa Halalan 2022 ng NASSA/Caritas Philippines.

Ayon sa social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, layunin ng Kampana para sa Halalan 2022 na mapukaw ang atensyon at kamalayan ng taumbayan sa panawagan ng Simbahan para sa lahat ng magpatala sa kasalukuyang voters’ registration upang makibahagi sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Nakatakda ang Kampana para sa Halalan 2022 sa araw ng Linggo ika-9 ng Mayo, 2021 na parehong petsa ng nakatakdang eleksyon sa susunod na taon.

Bahagi ng panawagan ng NASSA/Caritas Philippines ang sabay-sabay na pagpapatunog ng kampana ng mga Simbahan matapos ang Angelus ganap na alas-dose ng tanghali.

“our dear Bishops and DSAC Directors! May 9 is exactly a year away from 2022 elections! To signify our urgent call for voters’ registration, we urge you to join the nationwide ringing of church bells at 12nn on May 9th after the Angelus.” paanyaya ng NASSA/Caritas Philippines.

Positibo namang tumugon sa panawagan ang Archdiocese of Manila kung saan sa pamamagitan ng Facebook page ng The Manila Cathedral ay tiniyak ng arkidiyosesis ang pakikiisa sa naturang gawain bilang hudyat ng paghahanda para sa pambansang halalan sa susunod na taon.

 

[smartslider3 slider=22]

 

Bukod sa pakikibahagi sa pagpapatunog ng mga kampana sa lahat ng mga Simbahan, nanawagan rin ang Archdiocese of Manila sa pumili ng mga lider na maka-Diyos at tunay na may takot sa Diyos upang pamunuan ang pamamahala ng bansa.

“Bukas, Mayo 9, 2021, ay eksaktong isang taon bago ang Pambansang Eleksyon sa 2022.

Nakikiisa ang Archdiocese of Manila sa panawagan ng NASSA/Caritas Philippines na magpatunog ng kampana ng alas dose ng tanghali sa lahat ng simbahan bukas bilang panawagan sa pagpaparehistro at pagboto para sa ating kinabukasan.

Pumili tayo ng isang lider na maka-Diyos at may takot sa Diyos.” Ang tugon ng Archdiocese of Manila.

Tiniyak rin Diocese of Borongan ang pakikibahagi sa Kampana para sa Halalan 2022 kung saan inatasan ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang lahat ng mga parokya at mga institusyon ng Simbahan sa diyosesis na makibahagi sa pagpapatunog ng kampana sa ika-9 ng Mayo araw ng Linggo.

Inaasahan rin ang pakikibahagi sa gawain ng iba pang mga diyosesis at arkidiyosesis sa bansa.

Sa ika-9 ng Mayo taong 2022 ay nakatakda ang National and Local Elections kung saan kabilang sa kinakailangang ihalal ay ang pangulo at pangalawang pangulo na dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa na mangangasiwa sa pamamahala ng bayan para sa susunod na anim na taon.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 17,604 total reads

 17,604 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 17,731 total reads

 17,731 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 32,100 total reads

 32,100 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 88,506 total reads

 88,506 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 212,007 total reads

 212,007 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 295,829 total reads

 295,829 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top