Kapayapaan sa Ukraine, hilingin kay Our Lady of Fatima

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 911 total reads

Nananawagan si Father Carlos Reyes, Kura Paroko ng Our Lady of Fatima Parish sa Mandaluyong City sa mananampalataya na magrosaryo at hilingin sa Mahal na Birhen ng Fatima ang pag-aadya mula sa banta ng digmaan.

Ito ay sa ginanap na “Mass for World Peace and Ukraine” sa Our Lady of Fatima parish na pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Ayon sa Pari, ang idinaos na misa ay kaugnay ng pag-aadya at aparisyon sa Fatima Portugal ng Mahal na Birheng Maria sa tatlong bata noong 1930 sa pagkaranas ng mundo ng World War I.

“Kagaya po ng sinabi ng Mahal na Ina 100 years ago na ang nakakaraan manalangin po tayo, let’s pray the rosary magbalik loob po tayo sa panginoon, pagsisihan natin ang ating mga kasalanan at lalung-lalu na ipinalangin natin yung conversion ng mundo,” ayon sa panayam ng Radio Veritas sa Pari.

Ibinahagi ni Father Reyes na isang misa din ang ginanap sa Chapel of the Eucharistic Lord sa SM Megamall na pinangunahan ni Monsignor Bong Lo na inorganisa Military Order of Hospataliers of Malta, Order of Malta para sa Ukraine.

Labis rin ang kagalakan at pasasalamat ni Father Reyes sa pagpapaunlak ni Cardinal Advincula upang pangunahan ang misa kasunod ng panawagan ng mga Obispo ng Ukraine sa buong mundo na ipinanalangin sa kalinis-linisang puso ni Maria na tumigil na ang tensyon sa pagitan Ukraine at Russia.

Iginiit ni Father Reyes na mahalaga ang pagdaraos ng mga misa para sa kapayapaan upang ipag-adya ng Panginoon ang buong daigdig mula sa banta ng digmaan katulad ng alitan sa pagitan ng China at Taiwan.

“Nakakatakot din dahil dito sa Asia mayroon ding problema ng Taiwan, China atsaka Taiwan na baka magkaroon din ng digmaan at masasangkot din tayo, ganon ang nangyari noong World War II, nagkaroon ng giyera sa Pacific, Nagkaroon ng Giyera sa Europe buong mundo ay sumailalim sa giyera,” ayon pa sa Pari.

Sa pinakahuling tala ng United Nations noong March 13 2022, umaabot na sa mahigit 600 ang nasawi at higit sa 1-libong sibilyan na ang iniwang sugatan ng patuloy na pananakop ng Russia sa Ukraine.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 10,539 total reads

 10,539 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 41,812 total reads

 41,812 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 121,214 total reads

 121,214 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 215,440 total reads

 215,440 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 275,586 total reads

 275,586 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top