Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo, ipagdiriwang ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,050 total reads

Hinikayat ng punong pastol ng Prelatura ng Infanta ang mananampalataya na hingin ang tulong ng Mahal na Birhen Maria lalo na sa gitna ng naranasang pandemya.

Ayon kay Bishop Bernardino Cortez, sa gitna ng pandemyang dulot ng corona virus ay hindi nawawala sa mga Filipino ang pusong maka-Ina lalo’t ang Pilipinas ay tinaguriang Pueblo Amante de Maria.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo na ginugunita tuwing ikapito ng Oktubre.

Ipinaliwanag ni Bishop Cortez na makatutulong ang pagrorosaryo sa Mahal na Ina upang matuklasan ang dakilang pagliligtas ng Panginoong Hesukristo sa sanlibutan.

“Tayo’y dumulog at manalangin sa Mahal na Ina dahil sa pamamagitan niya mapagnilayan natin ang hiwaga ng buhay ng pagliligtas ng Panginoon sa misteryo ng rosaryo,” pahayag ni Bishop Cortez sa Radio Veritas.

Iginiit ng obispo na hindi sapat ang pagbigkas sa Mahal na Birhen pangalagaan mo kami bagkus ay tauspusong pagsusumamo sa kanya na diringgin ng Panginoon ang kahilingan ng bawat mananampalataya.

Itinalaga ang buwan ng Oktubre bilang Buwan ng Santo Rosaryo kung saan hinimok ang bawat pamilya na magdasal ng rosaryo bilang paraan ng pagdulog sa Diyos ng bawat kahilingan.

“Sabi nga sa kasabihan ‘the family that prays together, stays together; and the nation that prays, the nation is secure,” dagdag pa ng obispo.

Nagpapatuloy pa rin sa bansa ang Healing Rosary for the World na pinasimulan ng Kanyang Kabanalan Francisco noong Abril bilang hakbang ng simbahan na masugpo ang paglaganap ng COVID-19 sa buong daigdig.

Pinangungunahan ng iba’t ibang basilica at dambana sa Pilipinas ang pagdarasal ng Santo Rosaryo tuwing Miyerkules ganap na alas nuwebe ng gabi kung saan sa mismong kapistahan ay gaganapin sa Santisimo Rosario Parish sa University of Santo Tomas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 69,812 total reads

 69,812 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 165,293 total reads

 165,293 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 209,561 total reads

 209,561 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 232,670 total reads

 232,670 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 304,650 total reads

 304,650 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top