Kasakiman, resulta ng digmaan sa middle east-Carmelite priest

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 463 total reads

Nanawagan ng panalangin para sa kapayapaan sa gitna ng lumalawak na digmaan sa Middle East si Carmelite priest Fr. Ritche Salgado, O.Carm., kasabay ang babala laban sa kasakiman at mga digmaang nagiging negosyo.

Sa kanyang homiliya ngayong Huwebes sa ikalawang linggo ng kuwaresma sa Our Lady of Veritas Chapel, binigyang-diin ng pari na ang mga digmaan sa mundo ay madalas nakaugat sa paghahangad ng labis na kapangyarihan at yaman.
“Kapag mas mahalaga ang kita kaysa buhay ng tao, kapag ang digmaan ay nagiging negosyo, iyan ang parehong kasalanan ng mayamang lalaki sa Ebanghelyo,” ayon kay Fr. Salgado.

Ang pahayag ng pari ay kasabay ng lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan kasunod ng sanib pwersang pag-atake ng Amerika at Israel sa Iran na nagsimula noong huling bahagi ng Pebrero.

Target ng operasyong militar ang mga pasilidad militar at nuclear ng Iran na nagbunsod ng malawakang sagupaan sa rehiyon.
Naglunsad naman ng missile at drone attacks ang Iran bilang ganti, na tumama sa iba’t ibang lugar sa rehiyon kabilang ang Israel at mga base militar ng Amerika sa Gulf states, habang mahigit isang libong katao na ang naiulat na nasawi sa labanan.
Sa gitna ng krisis, hinimok ni Fr. Salgado ang mga mananampalataya na ipanalangin ang kapayapaan at katarungan para sa mga biktima ng digmaan.

“Manalangin tayo para sa kapayapaan sa mga bayang tine-terorize ng Israel at ni (US Pres. Donald) Trump, para sa katarungan sa mga biktima ng inhustisya at para sa pagbabagong puso ng mga taong pinagpeperahan ang gyera,” giit ng pari.
Ayon pa sa kanya, ang kuwento ng mayamang lalaki at ni Lazaro sa Ebanghelyo ay paalala na ang pagpapabaya sa naghihirap ay may pananagutan.

“Hindi naman masama ang maging mayaman; ang kasalanan ay ang hindi pansinin ang Lazaro sa ating pintuan,” dagdag ni Fr. Salgado.
Samantala, patuloy na tumitindi ang digmaan habang kinumpirma ng Amerika na anim na sundalong Amerikano na ang nasawi sa operasyon laban sa Iran, at posibleng tumagal ng ilang linggo ang kampanyang militar.

Nag-aalala na rin ang Vatican sa lumalawak na sigalot, kung saan binigyang-diin ni Secretary of State Cardinal Pietro Parolin na ang ganitong uri ng “preventive war” ay malaking banta sa pandaigdigang kapayapaan at sa umiiral na batas internasyonal.
Binigyang diin ni Fr. Salgado na ang tunay na hamon sa mga Kristiyano ay hindi lamang ang manalangin kundi ang baguhin ang puso at tumugon sa paghihirap ng kapwa.

Sa gitna ng digmaan at karahasan sa iba’t ibang panig ng mundo, pinaalalahanan ng pari ang mga mananampalataya na ang sukatan ng pananampalataya ay ang pagmamahal na isinasabuhay sa kapwa lalo na sa mga mahihirap at biktima ng digmaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 78,446 total reads

 78,446 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 173,128 total reads

 173,128 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 217,396 total reads

 217,396 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 240,505 total reads

 240,505 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 312,107 total reads

 312,107 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top