Kasalanan sa Diyos at sambayanan ang katiwaliang umiiral sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,631 total views

Binigyang-diin ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno na hindi maaaring manahimik ang Simbahan sa harap ng lumalalang katiwalian sa bansa.
Ayon kay Fr. Puno, ang mga umiiral na suliranin sa lipunan ay hindi lamang usaping pulitikal at pang-ekonomiya kundi isang malinaw na kasalanan laban sa Diyos at sa sambayanan.

Paliwanag ng pari, ang katiwalian ay tuwirang paglabag sa ika-pitong utos ng Diyos na ‘Huwag kang magnanakaw’, sapagkat ang perang kinukurakot mula sa kaban ng bayan ay perang dapat nakalaan para sa mamamayan, lalo na sa mga mahihirap.

“Ang korupsyon ang ugat ng malalang kahirapan, kakulangan ng serbisyong panlipunan, at pagkasira ng tiwala sa pamahalaan. Ang pangunahing biktima ay ang mga walang laban—ang mga mahihirap na natatanggalan ng pagkakataong makinabang sa yaman ng bansa,” pahayag ni Fr. Puno.

Dagdag pa ni Fr. Puno, tungkulin ng Simbahan bilang tinig ng mga walang tinig na tawagin sa pananagutan ang mga tiwali, palakasin ang loob ng mamamayan, at itaguyod ang katarungan.

Iginiit ng pari na ang pananahimik ay pakikiisa sa kasamaan, habang ang pagtindig laban dito ay pakikibahagi sa misyon ni Kristo.

Panawagan naman ni Fr. Puno sa mga lingkod-bayan na magsilbi nang may integridad at katapatan; sa sambayanan na maging mapanuri at huwag maging bahagi ng katiwalian; at sa mga mananampalataya na isabuhay ang pananampalataya sa gawaing panlipunan at pakikibaka para sa katarungan.

Hinamon din ng pari ang Simbahan na maging huwaran ng pagiging tapat at may pananagutan upang maging makabuluhan ang tinig nito laban sa katiwalian.

“Ang korupsyon ay sugat sa kaluluwa ng bayan. Kailangang sugpuin ito sa pamamagitan ng pagkakaisa, pananagutan, at pagbabalik-loob sa Diyos,” ayon kay Fr. Puno.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 34,984 total views

 34,983 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 119,743 total views

 119,742 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 137,252 total views

 137,251 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 182,068 total views

 182,067 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CGG, nababahala sa Senado

 1,343 total views

 1,343 total views Nagpahayag ng pagkabahala si Fr. Warren Puno sa mga kaganapan sa Senate of the Philippines sa gitna ng umiinit na usapin kaugnay ng

Read More »
Scroll to Top