Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kasalang bayan, isasagawa ng Prelatura ng Marawi tuwing Valentines day

SHARE THE TRUTH

 513 total views

Ipinaalala ni Marawi Bishop Edwin Dela Peña na ang bawat isa ay hinimok ng Panginoon na ibigin ang kapwa.

Ito ang pagninilay ng Obispo sa Araw ng mga Puso na dapat pairalin ng mamamayan ang pagmamahalan tungo sa mapayapa at maunlad na pamayanan.

“Ito ang ating bokasyon to love, lahat tayo ay tinawagan ng Panginoon upang magmahal at magbahagi ng pag-ibig sa kapwa,” pahayag ni Bishop Dela Peña sa Radio Veritas.

Sa pagdiriwang ng Valentines Day, pangungunahan ni Bishop Dela Peña ang mass wedding sa Immaculate Conception Parish sa Sultan Naga Dimaporo Lanao Del Norte ang parokyang pinangangasiwaan niya.

Ibinahagi ni Bishop Dela Peña na 30 mag-asawa na civilly married ang makatatanggap ng sakramento ng pag-iisang dibdib sa araw ng mga Puso na konkretong hakbang na mapagtibay ang pagmamahalan ng mag-asawa sa tulong ng basbas at gabay ng Diyos.

Sa inisyatibo ng parokya, hinikayat nito ang mga mag-asawang kasal sa huwes na patatagin pa ang kanilang samahan sa pamamagitan ng sakramento na ibinibigay ng simbahan.

Umaasa naman ang Obispo na maging tradisyon ito tuwing Araw ng mga Puso.

“We campaign for the validation of their marriage na tatanggap sila ng sakramento [ng kasal]; we hope this is going to the usual feature of our valentine celebration,” saad ng obispo.

Unti-unti ring ipinatutupad ng Prelatura ng Marawi ang pag-alis sa arancel system kung saan ang mga ikinakasal at iba pang tatanggap ng sakramento ay hindi na magbabayad kasabay ng pagpapatupad ng modified tithing system bilang suporta sa parokya.

Ang 30 ikakasal ay libreng makatatanggap ng sakramento ng pag-iisang dibdib maging ang salo-salo na inihanda at mga programa para sa nasabing selebrasyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,208 total views

 6,208 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,192 total views

 24,192 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 44,129 total views

 44,129 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,322 total views

 61,322 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,697 total views

 74,697 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,318 total views

 16,318 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 23,285 total views

 23,285 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Scroll to Top