261 total views
Umaasa ang Migrants Ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.
Ayon Kay Balanga Bishop Ruperto Santos, vice chairman ng CBCP – Episcopal Commission o. Migrants and Itinerant People malaki ang naitutulong ng nasabing media outfit sa mga Overseas Filipino Workers sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
“We, at CBCP – ECMI, support and stand for the renewal of ABS-CBN. With its The Filipino Channel, which is well patronised by our OFWs, ABS-CBNs their hope and joy amidst the pain of separation with their families and hard work from their employers,” ayon kay Bishop Santos.
Kasalukuyang nakabinbin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN habang mapapaso naman ang prangkisa sa katapusan ng Marso.
Tinutulan naman ng mga mamahayag at ng iba pang grupo ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema laban sa ABS-CBN sa alegasyong paglabag sa konstitusyon.
Naniniwala ang nga mamamahayag na ang hakbang ng Office of the Solicitor General ay malinaw na panggigipit sa Freedom of the Press.
Binigyang diin ni Bishop Santos na sa pamamagitan ng mga programa ng network ay nakikiisa ang mga migranteng Filipino sa mga kaganapan sa Pilipinas.
“With TFC our OFWs can connect themselves with what is happening in our country, and find themselves still united, identified with us here,” dagdag ni Bishop Santos.
Ibinahagi pa ng obispo na batay sa kanyang sariling karanasan sa Italya habang pinamunuan ang Pontificio Colegio Filipino, ang mga Filipino na ipinanganak sa nasabing bansa ay natututong magsalita ng Filipino dahil sa pagtangkilik ng mga OFW sa programa ng ABS-CBN.
“With ABS-CBN, our OFWs find themselves still at home, one and united with their fellow Filipinos even they are thousand miles away. We are praying and hoping that ABS-CBN will be renewed,” saad pa ni Bishop Santos sa Radio Veritas.