Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 882 total reads

Kapanalig, isa mga dahilan ng tagumpay at kasiyahan ng maraming pamilyang Pilipino ang pagkakaroon ng mga mapagkakatiwalaang kasambahay. Aminin man natin o hindi, ang tahanan natin ay tumatakbo ng maayos dahil sa kanilang pagtulong. Kabalikat na natin sila sa ating buhay. Napakalaki ng kanilang ambag sa ating bayan.

Ang kasambahay ay mga indibidwal na ating inaatasan na gumawa sa ating bahay – maglinis, magluto, maglaba, pati mag-alaga ng bata. Mahirap na gawain ito, at mahirap makakita ng tao na tapat na tutulong sa atin. Para sa mga tahanan na swerteng nakatanggap ng ganitong biyaya, Atin bang naibabalik, kahit papano, ang pagkalinga nila sa atin?

Sa ating bansa, ang karapatan ng mga kasambahay ay napapahalagahan sa pamamagitan ng “Domestic Workers Act” o Batas Kasambahay (Republic Act No. 10361). Ipinapatupad nito ang mga karapatan ng mga kasambahay, kasama na ang tamang pagpapasahod, oras ng trabaho, benepisyo, at iba pa. Napakahalaga nito lalo pa’t nag-iisa lamang ang maraming mga kasambahay sa mga tahanang kanilang pinaglilingkuran, at wala silang ibang kasangga pagdating sa paghayag ng kanilang saloobin at karapatan.

Napa-importante rin ng batas na ito dahil sa mga tahanan, hindi lamang walong oras ang gawaing bahay. Tuloy tuloy ang karaniwang trabaho dito, at kung walang batas, halos wala ng pahinga ang tao. Pagdating kasi sa gawaing bahay, pakiramdam ng marami sa atin ay madali lamang ito dahil nasa bahay lang naman – kaya’t sige minsan ang utos kahit na pagod na ang kaagapay na kasambahay.

May mga pagkakataon din na mga bata, mga edad 15 hanggang 18, ay pumapasok bilang kasambahay. Ang Domestic Workers Act ay nagbibigay proteksyon din sa kanila at sinasaad nito na hindi dapat hadlangan ang kanilang access sa edukasyon.

Napakahalaga kapanalig ng mga batas gaya nito dahil rampant o madalas din ang mga insidente ng pang-aabuso, lalo na mga bata ang kasambahay. Hindi namamalayan ng iba na hindi na kasambahay ang turing sa kanila, kundi alipin na. Tinatayang mahigit pa sa 1.4 milyon ang mga kasambahay sa ating bayan. Marami pa ito dahil hindi naman lahat ay nalilista o kinikilala.

Sa pagtataguyod ng mga karapatan at kagalingan ng mga kasambahay, mahalaga na magkaroon tayo ng edukasyon at kamulatan ukol sa kanilang kontribusyon at  mga pangangailangan. Dapat tayo ay may maging sensitibo sa kanilang sitwasyon at gumawa ng mga hakbang upang mapabuti pa ang kanilang kalagayan. Sabi nga sa Rerum Novarum: “The first thing of all to secure is to save unfortunate working people from the cruelty of men of greed, who use human beings as mere instruments for money-making. It is neither just nor human so to grind men down with excessive labor as to stupefy their minds and wear out their bodies.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 10,858 total reads

 10,858 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 193,417 total reads

 193,417 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 225,149 total reads

 225,149 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 326,972 total reads

 326,972 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 367,529 total reads

 367,529 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 380,266 total reads

 380,266 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 193,418 total reads

 193,418 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 225,150 total reads

 225,150 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 326,973 total reads

 326,973 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 367,530 total reads

 367,530 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top