Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 337 total views

Kapanalig, nabalitaan mo na ba ang World Happiness Report? Sampung taon na umiiral ng index o sukatan na ito. Marami na ngayon ang nagsasabi na para matawag na matagumpay ang isang bansa, ang tamang sukatan ay ang kasiyahan ng kanilang mamamayan. Paano ba sinusukat ang kasiyahan ng mamamayan?

Ayon sa report, ang natural na paraan upang malaman kung masaya ang mamamayan ay ang tanungin sila kung gaano sila kakuntento sa kanilang buhay. Ang mga mamamayan, magiging masaya at kuntento, kung sila ay malusog, maunlad, at may social support system. Para malaman din masaya ang lipunan, kailangan din natin tingnan ang umiiral na mga hamon, kagipitan, o “misery” sa lipunan. Kapag kinikilala ng isang pamahalaan na ang “happiness” ng mga mamamayan bilang goal o layunin, mas makakabuti para sa lahat dahil hindi lamang ito tututok sa economic well-being ng mga tao, mapapa-prayoridad nito ang over-all well-being ng lahat. Dito mas mararamdaman natin lahat ang work-life balance, ang pagtutok sa mental health ng lahat, at ang importansya ng pamilya.

Ayon sa 2023 World Happiness Report, ang Finland ang pinakamasaya. Sa loob ng anim na taon, sila ang laging nangunguna. Sumunod dito ay ang mga bansang Denmark, Iceland, Sweden, at Norway – mga Nordic countries. Ang Pilipinas, pang 76th naman, bumagsak mula sa 60th noong 2022.

Mainam sana na maging layunin ng pamahalaan ang kaligayahan ng bawat Filipino. Mas makahulugan at mas tutok ang mga serbisyo kapag ito ang sukatan at target ng bawat pinuno. Kaya lamang, kailangan maging mabusisi tayo dito dahil ang Filipino masayahin pero matiisin. Bigyan mo lang ng konti, mabilis sila mapaligaya. Minsan, bulag na nga tayong magmamahal sa mga pinuno natin. Akala natin, tama na ang minsanang pagdalaw sa atin tuwing election campaign. Tuwang tuwa na tayo non. Akala natin, kapag nag donate sa ating mga pa-liga, o di kaya dumating sa piyesta, okay na rin yun. Masaya na tayo non. Akala natin, kapag, nagdonate sila sa binyag, kasal o libing, malaking bagay na yun. Kaya lamang kapanalig, sa ganitong mga pagkakataon, hindi layunin ng mga ganitong pinuno ang kaligayahan natin. Kaligayahan nila ang target nila kapag nararamdaman lamang natin sila tuwing ganitong mga okasyon.

Kapanalig, ang dasal nga natin ay sana, tayo naman ang maging pinaka-happiest country in the world. Yung tunay na kaligayahan, kapanalig, ha, at di lamang yung panandalian. Para mangyari yan, kailangan natin ng malalim na pagbabago, sa puso ng bawat mamamayan at ng bawat pinuno. Sa hanay ng ating mamamayan, kailangan nating matutong kilatisin kung sino ba ang tunay na naghahangad ng kaligayahan ng bawat Filipino. At sa hanay ng mga pulitiko, kailangan nila na tunay, at taos-pusong hangarin ang kagalingan at tunay na kasiyahan ng mga mamamayan. Sabi nga sa Rerum Novarum: Ang pinakamahalagang tungkulin ng mga pinuno ng Estado ay dapat na tiyakin na ang mga batas at institusyon, ang pangkalahatang katangian at pangangasiwa ng bansa, ay naglalayon na matamo ang kagalingan ng bawat mamamayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 27,383 total views

 27,383 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 35,483 total views

 35,483 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 53,450 total views

 53,450 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 82,496 total views

 82,496 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 103,073 total views

 103,073 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 27,385 total views

 27,385 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 35,485 total views

 35,485 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 53,452 total views

 53,452 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 82,498 total views

 82,498 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 103,075 total views

 103,075 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 86,702 total views

 86,702 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,483 total views

 97,483 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,540 total views

 108,539 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,402 total views

 72,401 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 60,831 total views

 60,830 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 61,052 total views

 61,052 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 53,754 total views

 53,754 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 89,299 total views

 89,299 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 98,175 total views

 98,175 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 109,253 total views

 109,253 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top