Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,211 total views

Ang Mabuting Balita, 16 Disyembre 2023 – Juan 5: 33-36

KATANGI-TANGI

Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa mga Judio, “Nagpasugo kayo kay Juan, at nagpatotoo siya tungkol sa katotohanan. Hindi sa kailangan ko ang patotoo ng tao; sinasabi ko lamang ito para maligtas kayo. Si Juan ay parang maningas na ilaw na nagliliwanag noon, at kayo’y sandaling nasiyahan sa kanyang liwanag. Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit sa patotoo ni Juan: ang mga gawang ipinagagawa sa akin ng Ama, at siya ko namang ginaganap – iyan ang nagpapatotoo na ako’y sinugo niya.”

————

Walang tao sa mundong ito ang nakadaig kay Jesus sa kanyang mga gawa, at sa napaka iksing panahon na tatlong taon. Siya ay KATANGI-TANGI sapagkat siya ay Diyos at tao. Nakakaawa nga lang ang mga Judio dahil hindi nila ito natanto, sapagkat abalang-abala sila sa pagtiyak kung ang mga gawa ni Jesus ay naaayon sa Batas ni Moises o hindi. Sa napakahabang panahon, ang kanilang mga ninuno ay naghintay sa pagdating ng Mesiyas, ngunit noong dumating ang Mesiyas, hindi nila ito napansin at hindi nila siya nakilala. Nakakainggit ang kanilang kalagayan na nakaharap nila ang Anak ng Diyos; na makilala ang Ama sa pamamagitan niya; at maranasan ang pagmamahal at awa ng Ama sa pamamagitan niya. Binaliktad nila ang kanilang kalagayan na nakakainggit sa kalagayang nakakaawa.

Mayroong mga taong gumigiit na walang Diyos. Tulad ng sinabi ni Jesus sa Mateo 15: 14, “Hayaan ninyo sila. Sila’y mga bulag na taga-akay ng mga bulag; at kapag bulag ang umakay sa kapwa bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay.” Ipanalangin nating hindi tayo maging isa sa kanila. Gamitin at pahalagahan natin ang DAKILANG HANDOG NG PANANAMPALATAYA habang may buhay. Magiging DAKILA DIN ITO SA KATAPUSAN!

Panginoon, inuulit namin ang sinabi sa iyo ni Marta, “Opo, Panginoon! Sumasampalataya po ako sa inyo at naniniwalang kayo nga ang Kristo, ang Anak ng Diyos na paparito sa daigdig.” (Juan 11: 27)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 92,488 total views

 92,488 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 120,493 total views

 120,493 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 138,293 total views

 138,293 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 134,727 total views

 134,727 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 240,242 total views

 240,242 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

EVER-PRESENCE

 8,815 total views

 8,815 total views Gospel Reading for April 20, 2026 – John 6: 22-29 EVER-PRESENCE [After Jesus had fed the five thousand men, his disciples saw him

Read More »

LIMITLESS

 9,472 total views

 9,472 total views Gospel Reading for April 19, 2026 – Luke 24: 13-35 LIMITLESS That very day, the first day of the week, two of Jesus’

Read More »

GREATER

 5,483 total views

 5,483 total views Gospel Reading for April 18, 2026 – John 6: 16-21 GREATER When it was evening, the disciples of Jesus went down to the

Read More »

DEEPLY CONCERNED

 5,710 total views

 5,710 total views Gospel Reading for April 17, 2026 – John 6: 1-15 DEEPLY CONCERNED Jesus went across the Sea of Galilee. A large crowd followed

Read More »
Scroll to Top