Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 18,319 total views

Homiliya para sa Unang Araw ng Simbang Gabi, Ika-16 ng Disyembre 2023, Juan 5:33-36

Tungkol sa SIMBAHANG NAGMIMISYON ang magiging general topic ng ating mga pagninilay nitong buong simbang gabi. Ito kasi ang pinaka-buod na layunin ng isang simbahang “sinodal” o sa simpleng salita, simbahang bukas at laging handang lumabas sa sarili para makilakbay sa bawat kapwa-tao. Makasaysayan ang kasalukuyang nagaganap na “Synod on Synodality” sa buong Simbahang Katolika. Nagsimula ito noong October 2021. Kung naaalala pa ninyo, mula sa parish level, umakyat ang mga konsultasyon sa simbahan sa national at continental assemblies at nagbunga naman ito ng working document para sa global level.

Sa global level naman, katatapos lang nitong nakaraang October 2023 ng first session ng Synod sa Rome. Kasama ako sa 370 voting delegates na nag-participate. Dahil “work in progress” pa ito, ang 40-pages na synthesis report na ibinunga ng first session ay ibinalik sa mga local churches sa buong mundo para mapag-aralan, bilang preparasyon para sa second session na mangyayari next year, sa October 2024, at magbubunga naman ng mga resolutions na isa-submit kay Pope Francis, at ilalabas ng Santo Papa bilang isang apostolic exhortation sa bandang simula ng 2025 na idedeklara bilang Jubilee Year ng simbahan.

Para sa araw na ito, ang pinaka-summary ng ating pagninilay ay isang kasabihang Pilipino na alam nating lahat: “Nasa Diyos ang awa; nasa tao ang gawa.”Parang likas na napaka-relihiyoso nating mga Pilipino. Bukambibig natin ang “May awa ang Diyos,” pag tinanong tayo kung mangyayari ba o hindi ang mga pinapangarap natin sa buhay. Pero mukhang alam din natin na kahit totoong nakasalalay ang buhay natin sa awa ng Diyos, hindi naman ito basta mangyayari kundi tayo kikilos o gagawa. Kahit naniniwala tayong hulog ng langit ang mga biyayang tinatamasa natin, alam din natin na hindi naman literal na nahuhulog ang mga ito mula sa langit. Pinapaisip ng langit pero tinatrabaho pa rin natin.

Madalas kasi kahit may tiwala tayo sa Diyos nakakalimutan natin na may tiwala din ang Diyos sa atin. Kaya ang tunay na patotoo sa awa ng Diyos ay ang mga mabubuting bagay na halos imposible ang dating sa unang tingin pero napangyayari natin o naisasagawa. Ito ang sinasabi ni Hesus sa ating ebanghelyo na mas mahalagang patotoo kesa sa patotoo o endorsement ni Juan Bautista.
Siguro dahil mataas ang pagtingin ng mga Hudyo kay Juan Bautista, kinailangan pa nila ang opinyon ni Juan kung magtitiwala ba sila o hindi sa pamumuno ni Hesus. Kumbaga sa job applicant para ba siyang sinabihan: “ok ka na kasi malakas ang nagrecommend sa iyo.”

Kaya nasabi ni Hesus, “May patotoo na higit pa kaysa kay Juan.” Kahit nga si Juan dumating din sa punto na nagduda siya kung nagkamali ba siya ng pagkilala kay Hesus dahil sa mga intrigang nakaabot sa kanya. Habang nakabilanggo kasi siya, nakaabot sa kanya ang balita na itong inindorso niya ay nakikipag-inuman sa mga lasinggero, nakikisosyalan sa mga tax collectors at prostitutes. Kaya ang tanong na ipinaabot niya ay, “Sabihin mo nga sa akin kung nagkamali ako ng pagpapakilala sa iyo,para humanap na lang kami ng iba?” At ang sagot ni Hesus ay, “Sabihin ninyo kay Juan ang nakikita ninyo at naririnig…” Ibig sabihin, iyong totoo lang ang ireport sa kanya: ang mga mabubuting bagay na naisasagawa ng Ama sa pamamagitan ni Hesus: nakakakitang muli ang mga bulag, nakakalakad na muli ang mga lumpo, napapagaling ang maysakit, at nakakarinig ng mabuting balita ang mga dukha.

Ito rin ang punto ni Propetang Isaias sa ating unang pagbasa. Akala ng mga Hudyo parusa ng Diyos sa mga kasalanan nila ng pagkakasakop at pagkawasak ng kanilang bayan sa mga mananakop. Malay ba nilang magiging daan lang ito upang maipaabot ng Panginoon ang liwanag ng kaligtasan sa lahat ng mga bansa sa buong daigdig. Hindi pala ito sumpa kundi pagpapala. (Blessing in disguise, ika nga) Dahil saan man sila napadpad sa alinmang sulok ng daigdig dala-dala nila ang kanilang pananampalataya nila. Paraan lang pala ito ng Diyos upang kumbaga sa tolda mapaluwagan ng Panginoon ang espasyo sa loob nito. Na niloob pala talaga niya na magkaroon ng maraming silid sa bahay niya para mas marami ang mapapasok niya. Kaya pala tayo din dapat maging laging handang makilakbay at maglaan ng lugar sa bawat kapwa dito sa mundo.

Parang naulit ang kuwento ng mga Hudyo sa mga Pilipinong OFW. Sila ngayon ang nagiging mga bagong misyunero, sabi nga ni Papa Francisco. Bukod sa Timor Leste, tayo lang ang bansa sa buong Asya na majority ang Katoliko. Malaki ang papel na ating dapat ginagampanan ngayon upang ang liwanag ng pananampalatayang Kristiyano ay tumanglaw sa buong Asya at buong mundo. Para matupad ang misyon nating ito, nasa Diyos ang awa, pero… nasa atin ang gawa. Maligayang pagmimisyon!

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 14,931 total views

 14,931 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 22,412 total views

 22,412 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 35,552 total views

 35,552 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 41,525 total views

 41,525 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 47,279 total views

 47,279 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 1,175 total views

 1,175 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 1,176 total views

 1,176 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,930 total views

 3,930 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,345 total views

 8,345 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,671 total views

 3,671 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 4,194 total views

 4,194 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,693 total views

 5,693 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,537 total views

 6,537 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,792 total views

 4,792 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 9,005 total views

 9,005 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 8,237 total views

 8,237 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,447 total views

 12,447 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,895 total views

 5,895 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,899 total views

 5,899 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,899 total views

 5,899 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top