Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Katarungan, hindi intriga

SHARE THE TRUTH

 183 total views

Mga Kapanalig, sa halip na ipag-utos ang mabilis na imbestigasyon sa pagpatay kay Fr. Mark Anthony Ventura at makiramay sa pamilya ng pinaslang na pari, pinili ni Pangulong Duterte na mang-intriga.

Habang nagtatalumpati sa isang okasyon sa Cebu, nagpakita siya ng isang “matrix” na naglalarawan sa “love triangle” na posibleng motibo raw sa pagpatay. Bagamat hindi niya binanggit ang pangalan ng pari, nasa pamagat ng “matrix” ang pangalan ni Fr. Ventura, at batay sa “matrix” na iyon, may relasyon ang 37 taóng gulang na pari sa walong babae, kabilang ang asawa ng isang vice mayor, asawa ng isang pulis, asawa ng isang sundalo, at asawa ng isang negosyante. Sabi ng pinakamataas na lider ng ating pamahalaan, kung ganito ba naman karami ang karelasyon ng isang pari, hindi katakatakang mapapatay siya.

Hindi natin alam kung ano ang nag-udyok kay Pangulong Duterte na maglabas ng impormasyong walang malinaw na batayan tungkol sa pinaslang na pari. (Talagang mahilig lamang siguro ang ating pangulo sa mga “matrix” na sa maraming pagkakataong naglabas siya nang ganoong dokumento, nakitang maraming mali at wala namang napatunguhan.) Ang alam natin, mga Kapanalig, bahagi ng kultura nating mga Pilipino ang igalang ang patay at ang makiramay sa naulilang pamilya. Hindi natin dinadagdagan ang sakit at lungkot ng mga naiwan ng taong namatay sa pamamagitan ng pagpapakalat ng tsismis tungkol sa kanila. Kaya umapela si Archbishop Sergio Utleg ng Tuguegarao sa publiko na huwag patulan ang anumang malisyosong ispekulasyon tungkol sa pagkamatay ni Fr Ventura. Umaasa siyang gugulong na ang imbestigasyon upang malaman ang katotohanan, mapanagot ang mga taong may kasalanan, at mabigyan ng katarungan si Fr Ventura. Ito ang prosesong sinusunod sa isang sibilisado at makataong lipunan.

Huwag natin sanang kalimutang isa si Fr Ventura sa mga paring piniling maglingkod sa mga nasa laylayan ng lipunan. Isa siyang environmental activist o tagapagtanggol ng kalikasan sa kanyang pagtutol sa pagmimina. Katuwang din siya ng mga katutubo sa probinsya ng Cagayan sa paggiit ng kanilang mga karapatan. Para sa mga nakakikilala kay Fr Ventura, hindi maikakaila ang kanyang pagtataya sa misyong kanyang pinili. Minahal siya ng kanyang mga pinaglingkuran, kaya’t palaisipan sa marami sa kanila kung sino ang mga lalaking nakamotorsiklo at bumaril sa kanya habang binabasbasan ang mga bata matapos niyang ipagdiwang ang isang Banal na Misa noong Abril 29. Malinaw na may mga kaaway siya, ngunit kung sinu-sino sila at kung bakit nila pinatay o ipinapatay si Fr Ventura ay bahagi ng gagawing imbestigasyon ng mga pulis. Katotohanan at katarungan ang hinahanap natin, mga Kapanalig, hindi intriga.
Anuman ang motibo, sabi nga ni Bishop Ambo David ng Kalookan, “murder is murder.” Ang pagpatay ay pagpatay, at kahit kailan, mali at malaking kasalanan sa Diyos ang nakawin ang buhay ng ating kapwa. “Huwag kang papatay,” iyan ang ikalimang utos ng Diyos.

Malaking paglabag din sa batas ng bansa ang pagpatay, kaya’t inaasahan natin ang mga kinauukulang kumilos upang gawaran ng katarungan ang taong ginawan ng mali at ang mga taong nagdadalamhati sa kanyang pagkamatay. Ngunit sa isang bansang umiiral ang tinatawag nating culture of impunity—o ang hindi na pagpapanagot sa mga pumapatay at lumalabag sa batas—makakaasa ba tayo ng katarungan? Hanggang ngayon, hindi pa rin nahahanap ang mga pumatay kay Fr Marcelito Paez sa Nueva Ecija noong Disyembre. At makaaasa ba tayo ng tulong mula sa pamahalaang pinamumunuan ng mga lider na galit sa Simbahan? Kahit ang tulad ni Sister Patricia Fox na matagal nang kasama ng mga katutubo at mahihirap, agad-agad na ipina-deport.

Mga Kapanalig, hindi na maipagtatanggol ni Fr. Ventura ang kanyang sarili laban sa mga paratang sa kanyang pagkatao. Ngunit nakaatang sa ating mga naiwan ang paghahanap ng katotohanan upang manaig ang tunay na katarungan.
Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 24,681 total views

 24,681 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 32,162 total views

 32,162 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 45,302 total views

 45,302 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 51,275 total views

 51,275 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 57,028 total views

 57,028 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 24,682 total views

 24,682 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 32,163 total views

 32,163 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 45,303 total views

 45,303 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 51,276 total views

 51,276 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 57,029 total views

 57,029 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,872 total views

 41,872 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,956 total views

 42,956 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 38,337 total views

 38,337 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 50,341 total views

 50,341 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 58,383 total views

 58,383 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,940 total views

 49,940 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 48,365 total views

 48,365 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 50,151 total views

 50,151 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 47,076 total views

 47,076 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 61,390 total views

 61,390 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top