Biyaya ng Panginoon, taglay ni Bishop Santos bilang Obispo ng Iba, Zambales

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 437 total views

Dumalo ang lahat ng mga nakalipas na Obispo ng Diocese ng Iba sa pormal na pagluluklok kay Bishop-elect Bartolome Gaspar Santos bilang bagong Obispo ng Iba, Zambales na ginanap noong May 25 sa St. Augustine Cathedral Parish.

Ang kasalukuyang Arsobispo ng Archdiocese of San Fernando Pampanga na si Archbishop Florentino Lavarias na nagsilbing punong tagapagdiwang, Archbishop-emeritus Paciano Aniceto at Bishop-emeritus Deogracias Iniguez.

Sa altar din ng St. Augustine Cathedral Parish matatagpuan ang labi ni Bishop Henry Charles Byrne na tubong Ireland– ang kauna-unahang obispo ng Iba na namuno sa diyosesis simula 1956-1983.

Higit naman ang pasasalamat ng bagong Obispo sa ipinakitang suporta ng kanyang mga kapatid na pari at mga mananampalataya ng Iba sa pagtanggap ng kanyang bagong misyon.

Ayon kay Bishop Santos ang pagtanggap ng bagong tungkulin ay kaloob ng Panginoon kaya’t wala siyang pag-aalinlangan na tanggapin ito para paglingkuran ang Diyosesis ng Iba – na apat na taon nang walang Obispo makaraan mailipat sa Arkidiyosesis ng San Fernando, Pampanga si Bishop Florentino Lavarias.

Hinihikayat din ni Bishop Santos ang mga mananampalataya na maging katuwang sa kaniyang misyon at umaasa sa pakikipagtulungan para sa higit na pagpapahayag at pagsasabuhay ng pag-ibig ng Diyos.

Pangunahing paalala ni Bishop Santos sa mga pari at mananampalaya ng Iba Zambales ang tatlong bagay, Una sumunod sa Obispo, ikalawa ang mahalin ang mga Pari at ikatlo ang pagpapanatiling malinis ng mga simbahan.

Pebrero ng kasalukuyang taon nang italaga ni Pope Francis ang 50-taong gulang na si Bishop Santos na mula sa Diocese ng Malolos.

Mula sa kabuuang 700 libong populasyon ng Iba, Zambales, 80 porsiyento ng mga mamamayan dito ay pawang mga Katoliko.

Ang diyosesis ay binubuo ng 46 na pari na siyang nangangasiwa sa 22 mga parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 17,096 total views

 17,096 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 191,030 total views

 191,030 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 168,663 total views

 168,663 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 232,286 total views

 232,286 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 250,859 total views

 250,859 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top