Katarungan sa pagkamatay ni Ranara, panawagan ng CBCP sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,124 total reads

Nanawagan sa pamahalaan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CPCP-ECMI) na tulungan ang naiwang pamilya ni Jullebee Ranara na makamit ang katarungan.

Si Ranara ay napaslang ng anak ng kaniyang employer noong nakalipas na linggo.

Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, Vice-chairman ng CBCP-ECMI, mahalagang mapanagot ng pamahalaan ang primary suspects at mga maaring naging sangkot sa pagpaslang kay Ranara.

“It is very sad, tragic news, a life is brutally, cruelly taken, itt is inhuman, a crime, Jullebee Ranara would be at peace, at rest if justice is served, she is a person, a human being, she came just to work, thinking of the welfare of her four children, dreaming of a better life for her family and she suffered, her life ended at the hand of the 17 year old son of her employer, they should be held accountable for her death, Blood is on their hands” bahagi ng mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ipinaalala naman ng Obispo na ang bawat buhay ay mahalaga.

Hinimok ng Obispo ang pamahalaan na paigtingin ang pagbibigay proteksyon sa mga Overseas Filipino Workers upang higit na maisulong ang kanilang karapatan at mapangalagaan ang kanilang buhay.

Inihayag ni Bishop Santos na mag-aalay ang simbahan ng mga misa para sa eternal rest ni Ranara at kaligtasan ng mga OFW.

” We pray and offer our Holy Masses, we also ask our Chaplains to do the same for the eternal rest of Jullebee Ranara, May she find comfort and peace with God, may our God strengthen her family and grant to them the necessary graces and gifts for their good and secured life, we pray for our OFWS especially those in great difficulty and in dire need that in God’s mercy and power they will surpass all those things, be saved and for a change of heart of their employers,” ayon pa sa pananalangin ni Bishop Santos para kaligtasan ng mga OFW na nagtatrabahao sa ibayong dagat.

Biyernes ng dumating sa Pilipinas ang mga labi ni Ranara.

Una ng tiniyak ng Department of Migrant Workers at iba pang mga sangay ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng mga OFW ang pagtulong sa pamilya ni Ranara, kasabay ito ng masusing imbestigasyon upang makamit ng napaslang na domestic worker ang katarungan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 146,942 total reads

 146,942 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 205,108 total reads

 205,108 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 341,613 total reads

 341,613 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 453,565 total reads

 453,565 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 106,417 total reads

 106,417 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »
Scroll to Top