Kilalanin ang biyaya ng bagong buhay.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 476 total reads

Nag-alay ng panalangin at pakikiramay si Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud sa mga mananampalataya ng Batanes kaugnay sa nalalapit na paglilibing kay Basco, Batanes Bishop Emeritus Camilo Gregorio.

Ayon kay Bishop Bancud, nawa sa pamamagitan ni Bishop Gregorio ay mas makilala ng mga mananampalataya ang biyaya ng bagong buhay na kaloob ng Diyos para sa lahat.

“Hinihiling ko yung panalangin upang sa gayon, ang buong sambayanan ng Diyos ay gamitin ang pagkakataong ito upang ating lubos na kilalanin ang biyaya ng bagong buhay na kaloob ng Diyos para sa ating lahat. Magkaisa tayo at manalangin upang sa gayon, ang ating minamahal na si Bishop Camillo Gregorio ay ipagkaloob sa kanya ng Diyos ang pangako ng buhay na walang hanggan.” Pahayag ni Bishop Bancud sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ni Bishop Bancud na sa paglisan ng isang mabuting Pastol ng Simbahang Katolika, nawa ay alalahanin ng mga mananampalataya ang inialay nitong pag-aalaga at paggabay nang siya ay nabubuhay pa at gamitin ito upang mas mapalapit sa Panginoon.

“Para sa mga mananampalataya ng Batanes, ako’y nakikiramay sa inyong lahat sa ngalan ng mga kaparian ng Diyosesis ng Cabanatuan, hari nawa itong ating huling pamamaalam kay Bishop Camillo, dala natin ang ating ala-ala ng kanyang pag-aalaga sa atin at paggabay sa atin, upang lalo tayong mapalapit sa ating Panginoon.” Dagdag pa ng Obispo.

Bukas, ika-28 ng Mayo nakatakda ang Funeral Mass at internment ni Bishop Gregorio sa Katedral ng Santo Domingo De Guzman sa Basco Batanes.

Si Bishop Gregorio ang naging pang-apat na Obispo ng Basco, at siya ay pinalitan ni Bishop Danilo Ulep matapos itong magretiro noong Mayo nang nakaraang taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 130,103 total reads

 130,103 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 173,277 total reads

 173,277 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 223,035 total reads

 223,035 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 382,229 total reads

 382,229 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 403,411 total reads

 403,411 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 23,011 total reads

 23,011 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 52,658 total reads

 52,658 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 45,502 total reads

 45,502 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top