Kilalanin ang mga katutubo, hamon ng CBCP-ECIP sa mamamayang Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,523 total reads

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples ang publiko na higit pang kilalanin ang mga katutubo sa bansa.

Ayon kay Tony Abuso, executive secretary ng komisyon na mahalagang magkaroon ng sapat na kaalaman ang publiko sa mga tradisyon, kultura at pagkakakilanlan ng bawat katutubong komunidad sa bansa upang matulungang mapangalagaan ang karapatan laban sa mga nang-uusig.

“Kailangan talagang ang mamamayang Pilipino hindi lang ang gobyerno, kahit sa mga non-government organization, sa civil societies, kailangan talagang magkaroon ng effort na talagang kilalanin ‘yung mga kapatid natin,” pahayag ni Abuso sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit ni Abuso na ang mamamayan ay hindi lamang dapat umasa sa mga lumalabas sa social media, kun’di dapat magkaroon din ng malalim na pagsasaliksik para lubos na makilala ang mga katutubo.

Hinikayat naman ng opisyal ang mga katutubong komunidad na matapang na ipahayag ang kanilang mga boses upang mas magtiwala ang publiko at mapaigting pa ang pangangalaga sa kanilang karapatan.

“Kailangan din talaga na magkaroon ng boses. Mas maganda kasi na mismo ang mga kapatid nating katutubo ang magpapakilala rin sa kanilang sarili, hindi lang ‘yung mga suportang grupo,” ayon kay Abuso.

Nangako naman ang CBCP-ECIP na patuloy na susuportahan at tutulungan ang mga tunay na katiwala ng sangnilikha sa panawagang pangalagaan ang mga lupaing ninuno na bahagi ng kalikasan laban sa pagpasok ng mga mapanirang paraan ng pag-unlad.

Batay sa tala ng National Commission on Indigenous Peoples, aabot sa mahigit 11-milyon ang kabuuang populasyon ng mga katutubo sa Pilipinas.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 1,433 total reads

 1,433 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 10,443 total reads

 10,443 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 82,948 total reads

 82,948 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 169,447 total reads

 169,447 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 212,483 total reads

 212,483 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 261,756 total reads

 261,756 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 193,266 total reads

 193,266 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top