392 total views

Mga Kapanalig, sa panahong ito, hindi na tayo nagugulat sa matitinding bagyong dumadaan sa ating bansa katulad ng huling bagyong tumama sa atin, ang Super Typhoon Karding.

Walong kababayan natin ang iniulat na namatay—kasama ang limang rescuers na naipit sa flash flood sa Bulacan. Nakikiramay tayo sa kanilang naiwang mga pamilya, at ipinagdarasal natin ang kapayapaan ng kanilang mga kaluluwa.

Libu-libo naman ang inilikas mula sa kanilang mga tirahang nasa delikadong mga lugar. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot sa mahigit 11,000 pamilya o lampas 45,000 katao ang namalagi sa mga evacuation centers sa kasagsagan ng bagyo. Dasal nating magkaroon sila ng lakas ng katawan at lakas ng loob upang bumangong muli sa trahedyang kanilang naranasan.

Pinakamatindi naman ang epekto ng bagyo sa sektor ng agrikultura. Dinaanan ng Bagyong Karding ang Gitnang Luzon na pangunahing rehiyong nagpo-produce ng palay. Tinatayang nasa mahigit 160 milyong piso ang halaga ng nasirang mga pananim. Siguro naman ay may plano para sa ating mga magsasaka ang Department of Agriculture, na pinamumunuan mismo ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Bagamat sanay na tayong bisitahin ng mga bagyo, ang malalakas at mapaminsalang mga bagyo, katulad ng Bagyong Karding, ay sinasabing bunga ng climate change. Mismong si Pangulong Marcos Jr na nga ang nagsabi sa kanyang talumpati sa United Nations General Assembly na “uneven” ang mga epekto ng climate change. Ibig sabihin, ang mga bansang kakatiting lamang ang kontribusyon sa tinatawag na greenhouse gases, na sanhi ng pag-init ng ating planeta, ay dumaranas ng pinakamatitinding epekto ng pagbabago ng klima. “Those who are least responsible suffer the most,” aniya. Mapangangatawanan kaya ng kasalukuyang administrasyon ang mga binanggit ng pangulo sa UN tungkol sa climate justice?

Bago pa man ang talumpating iyon ng ating presidente, matagal nang nananawagan ang maraming grupo ng tinatawag na climate justice. Kinikilala ng climate justice na ang problema sa climate change ay hindi lamang problemang pangkalikasan. Nakaugat din ito sa mga isyung panlipunan at pampulitika. Kinikilala nitong magkakaiba ang epekto ng pagbabago ng klima sa mga bansa, bayan, at komunidad, at na nasa ilang mga bansa at mga negosyo ang mas mabigat ang responsibilidad upang tugunan ang krisis na ito. Kinikilala rin ng climate justice na mas pinatitindi ng climate change ang kawalang katarungang dinaranas ng mga matagal nang isinasantabi, katulad ng mga magsasaka, maliliit na mangingisda, at maralitang tagalungsod.

Ang masaklap pa, wala na nga tayong kakayanang proteksyunan ang sarili natin laban sa mga epekto ng climate change, patuloy ang pag-abuso sa ating kalikasan at mga likas-yaman. Tila katulad ng sinasabi sa Genesis 6:5, “laganap na ang kasamaan ng tao sa daigdig.” Ginagawa ito ng malalaking industriyang pagmamamay-ari ng mga dayuhan, kasabwat ang mga lokal na negosyante at maging ng gobyerno. Nariyan ang pagmimina, pagtotroso, at malalawak na plantasyon. Paano natin makakamit ang climate justice kung mismong mga nasa poder ang nagpapahintulot at nakikinabang sa pagsira sa ating kalikasan?

Sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’, inihalintulad ni Pope Francis ang pagtangis ng daigdig sa pagtangis ng mahihirap. Hindi lamang ito pagtangis dahil sa sakit at pagdurusa; pagtangis ito upang magising—at kumilos—ang mga responsable sa pagsira sa kalikasan at sa paghihirap ng mga pinakaapektado ng climate change. Kasama ang Simbahan sa pagkalampag sa mga nagpapatindi ng climate change, ngunit marami pa tayong kailangang gawin kasabay ng pagtulong sa mga kababayan nating nasasalanta ng mga kalamidad katulad ng Bagyong Karding.

Kaya mga Kapanalig, huwag lang tayo masanay sa paulit-ulit na mga bagyo at sa paulit-ulit na pagbangon mula sa mga kalamidad. Sanayin din natin ang ating mga sariling laging iugnay ang climate change sa usaping pangkatarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kultura ng pagpapanagot

 24,267 total views

 24,267 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 36,691 total views

 36,691 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Farm lots

 52,126 total views

 52,126 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »

Wage Gap

 53,366 total views

 53,366 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »

Education Equality

 63,376 total views

 63,376 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 24,268 total views

 24,268 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 36,692 total views

 36,692 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 52,127 total views

 52,127 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 53,367 total views

 53,367 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 63,377 total views

 63,377 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 51,925 total views

 51,925 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive mobility

 66,684 total views

 66,684 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa content?

 57,178 total views

 57,178 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabuhayan sa Bangketa

 76,575 total views

 76,575 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Street People

 87,690 total views

 87,690 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buhay sa Slum Settlements

 91,611 total views

 91,611 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga katutubong pinaasa at pinalayas

 74,538 total views

 74,538 total views Mga Kapanalig, nagulat at nanlumo ang 44 na miyembro ng tribong Ati sa isla ng Boracay nang palayasin sila sa lupang inakala nilang napakasamay na nila. Linggo ng Palaspas nang dumating ang mga guwardyang naglagay ng mga piraso ng yero upang paligiran ang lupa. Hindi sila pinapasok ang mga katutubo kahit pa namagitan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Naglahong pera na naman?

 70,936 total views

 70,936 total views Mga Kapanalig, hindi pa naipaliliwanag ng Department of Education (o DepEd) ang 125 bilyong pisong confidential funds nito na nagastos sa loob ng labing-isang araw noong 2023, heto na naman at may bagong kontrobersyang minumulto ang sektor ng edukasyon. Speaking of “multo”, may kinalaman ang panibagong isyu sa mga tinatawag na “ghost students”. 

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sikretong kasunduan

 70,545 total views

 70,545 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo sa balita ang nangyari sa mga barko ng Pilipinas at sa mga sakay ng mga ito habang nagsasagawa ng tinatawag na rotation and resupply mission para sa ating mga sundalong nasa BRP Sierra Madre na nakahimpil sa Ayungin Shoal? Nangyari ang insidente Sabado bago ang mga Mahal na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Catastrophic Diseases

 93,372 total views

 93,372 total views Alam niyo kapanalig, ang pagkakasakit, lalo na pag malubha, ay isa sa mga pangunahing dahilan ng kahirapan ng marami nating mga kababayan. Ayon sa opisyal na datos, ang mga pangunahing cause of death sa ating bansa ay ang sakit sa puso o ischemic heart disease, kanser, at mga cerebrovascular diseases. 19% ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top