Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Koalisyon laban sa Cha-cha, inilunsad

SHARE THE TRUTH

 43,729 total views

Naniniwala ang isang mambabatas na mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng Simbahan para sa paggabay sa bawat isa patungo sa tamang landas sa lipunan.

Ito ang ibinahagi ni Senator Risa Hontiveros kaugnay sa pagsisilbing moral at ethical compass ng Simbahan lalo na sa mga mahahalagang usaping panlipunan tulad ng kontrobersyal na usapin ng Charter Change.

Ayon sa mambabatas, mahalaga ang pamumuno at aktibong pakikilahok ng Simbahan sa iba’t ibang mga koalisyon tulad ng bagong lunsad na KOALISYON LABAN SA CHACHA! upang higit na maipalaganap sa mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakaisa at paninindigan para sa kabutihan ng bayan.

“Napakahalaga talaga ng partisipasyon at pamumuno ng mga Simbahan sa ganitong mga koalisyon at paglunsad ng koalisyon kasi parang sila yung nagpapaingay ng tambuli na nagtatawag sa iba’t ibang mga Pilipino anuman ang ating pananampalataya Katoliko, protestante, evangelical, at iba pa na magkaisa nga sa isang totoong unity, magkaisa sa pagninilay, pagdarasal, pagbabantay, pagkilos lahat…” Bahagi ng pahayag ni Hontiveros sa Radio Veritas.

Paliwanag ng mambabatas, dapat na ganap na pagnilayan ng bawat mamamayan kung paano higit na mapoprotektahan at maisasakatuparan ang mga nakapaloob sa Konstitusyon na para sa ikabubuti ng sambayanan Pilipino at hindi ng interes ng iilan.

“Para pangalagaan at ipaglaban ang kapakanan ng nakararami hindi yung interes lang ng iilan na yun din naman ang kaluluwa ng Konstitusyon nakalagay dun, parang yung sulat pastoral ng CBCP, ‘Ano ang mabuti?’ nakalagay din po dun sa Konstitusyon so tamang dapat lamang mag-discern tayo ulit, ano yung mabuti na mga pangako dun sa Konstitusyon at ipatupad natin alang-alang sa kabutihan ng nakararami hindi yung kakasangkapanin lang ang Konstitusyon para sa interes ng iilan…” Dagdag pa ng mambabatas.

Matatandaang una ng tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagsusumikap ng Kalipunan ng mga Obispo ng Pilipinas na makapagsagawa ng mga talakayan at pagpupulong upang mabuksan ang kamalayan ng bawat isa kaugnay sa usapin ng Saligang Batas ng Pilipinas at magabayan na makapagdesisyon ng para sa ikabubuti ng bayan.

Tinagurian bilang KOALISYON LABAN SA CHACHA! binubuo ang nasabing kowalisyon ng may 40-grupo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na kinabibilangan ng mga church groups at people’s movement sa bansa na pawang naninindigan sa pagpapahalaga sa Saligang Batas ng Pilipinas na nagsisilbing sandigan ng mga karapatan, kalayaan at demokrasyang tinatamasa ng bansa.

Kabilang sa mga organisasyon at grupo ng Simbahan na kasapi ng kowalisyon ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines sa ilalim ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace o Caritas Philippines; Sangguniang Laiko ng Pilipinas; Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP); Simbahang Lingkod ng Bayan (SLB); at CMSP – Conference of Major Superiors in the Philippines.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalinga ng Diyos sa lupa

 45,487 total views

 45,487 total views Mga Kapanalig, higit sa pagpapakain at pagbibigay ng lugar para maligo at matulog sa mga kapatid nating nabubuhay sa lansangan, ang pagbabalik sa

Read More »

Edukasyong pang-kinder

 63,594 total views

 63,594 total views Mga Kapanalig, lumabas sa isang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund o UNICEF na maraming estudyanteng Pinoy na nasa grade 3 ay may

Read More »

Kapayapaan sa sangnilikha

 69,017 total views

 69,017 total views Mga Kapanalig, kapayapaan sa sangnilikha! Noong isang linggo, binuksan natin ang “Panahon ng Sangnilikha” (o “Season of Creation”). Ipinagdiriwang ng Simbahan ang panahong

Read More »

ROBS TO RICHES

 128,646 total views

 128,646 total views Noong 2014, inilunsad ng Radio Veritas ang “Huwag kang Magnakaw” campaign na hango sa ika-pitong utos ng panginoon… Huwag kang Magnakaw! Itinatag ng

Read More »

ANO NANGYARI KAY TORRE?

 143,891 total views

 143,891 total views Si LT. General Nicolas Deloso Torre III, siya yung sinibak na ika-31 Philippine National Police Chief (PNP Chief). 85-araw lamang nanunungkulan bilang hepe

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Human trafficking, lalabanan ng CBCP-ECMI

 37,625 total views

 37,625 total views Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtutok

Read More »

CMSP, pinamumunuan na ng isang chairperson

 28,524 total views

 28,524 total views Nagpahayag ng bagong yugto sa kasaysayan ng buhay-relihiyoso sa Pilipinas ang Conference of Major Religious Superiors of the Philippines (CMSP), dating kilala bilang

Read More »
Scroll to Top