Kooperatiba, makatutulong sa pagpapatatag ng kabuhayan ng maralita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 658 total reads

July 18, 2020-9:31am

Nakahanda ang Caritas Manila na tulungan ang sektor ng transportasyon na makabangon mula sa epekto ng krisis na dulot ng corona virus pandemic.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng social arm ng Archdiocese of Manila mahalagang ma-organisa ang mga jeepney drivers na labis naapektuhan ng pandemya dahil sa patuloy pa ring ipinagbabawal ang pagbiyahe nito lalo na ang mga lumang jeep.

Giit ng pari, maaring bumuo ng kooperatiba ang mga jeepney drivers upang mas lumakas at tumatag ang samahan nito.

Ang mensahe ng opisyal ng Caritas Manila ay kasabay ng pamamahagi ng tulong sa mga tsuper sa Tutuban – Divisoria area na hindi nakapagbiyahe dahil sa patuloy na pag-iral ng general community quarantine sa Metro Manila.

“Mahalaga dito sila’y [jeepney drivers] pumasada at tumaas ang kita at pag organisado sila makatutulong ang kooperatiba at ang Caritas Manila na magbigay ng initial funding,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Sa pakikipanayam ni Fr. Pascual sa mga apektadong driver, sinabi ritong may asosasyon ang ang Tutuban – Moriones – Dagupan area kaya’t magandang simulain ito na magtayo ng kooperatiba na higit makatutulong sa kanilang kabuhayan.

Sa pahayag naman ni Rodel Dela Cruz isa sa mga tsuper, labis na kahirapan ang dulot ng pagbabawal na makabiyahe sapagkat wala itong magkukunan ng pambili ng pagkain at pangunahing pangangailangan sa pamilya.

Aniya, umaasa nalang ang kanyang pamilya sa mga ibinibgay na ayuda mula sa iba’t ibang grupo tulad ng Caritas Manila.

“Wala na po, dun nalang kami sa bahay, minsan may nagbibigay ng ayuda dito mga kagawad namin binibigyan kami ng bigas, pinagkakasya naman namin,” saad ni dela Cruz.

Pagbabahagi ni Dela Cruz, noong bago maglockdown nasa pagitan ng 800 piso hanggang 1, 200 piso ang kinikita nito sa buong araw na pamamasada na iniuwi sa kanyang pamilya subalit sa pagpatupad ng community quarantine nawala ang lahat ng kanyang pagkakitaan.

“Mula nung magkalockdown wala na, minsang bumiyahe nga ko singkwenta pesos nalang naiuuwi namin hati pa kami ng operator,” ani ni Dela Cruz.

Samantala sinabi naman ni Fr. Pascual na ang tulong na Manna bags mula sa Caritas Manila na may lamang mga pagkain ay hindi pangmatagalan kaya’t mahalagang tuturuang ang grupo na magkamit ng pangmatagalang pagkakitaan tulad ng kooperatiba upang mas mabilis na matugunan ang pangangailangan ng pamilya sapagkat maaring umutang ang bawat kasapi ng kooperatiba habang kumikita rin ito sa bawat dividendo.

“Pwede tayong magtayo ng kooperatiba para matulungan sila sa leadership magbakas-bakas sila ng puhunan upang ang pangangailangan nila sa araw-araw ay matugunan pwede sila mangutang at magdeposito sa koop, anuman ang kitain nila ay babalik sa kanila sa pamamagitan ng dividendo at rebate,” dagdag ng pari.

Umabot sa 186 na mga jeepney drivers ang natulungan ng Caritas Manila nitong ika-15 ng Hulyo sa Tutuban area habang tiniyak ng institusyon ang pagtulong sa iba pang mga driver sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 16,919 total reads

 16,919 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 17,743 total reads

 17,743 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 34,574 total reads

 34,574 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 71,951 total reads

 71,951 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 103,220 total reads

 103,220 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 178,274 total reads

 178,274 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 270,804 total reads

 270,804 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 16,921 total reads

 16,921 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top