Archbishop Valles, nasa maayos nang kalagayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 628 total reads

July 18, 2020-11:40am

Nasa mabuti nang kalagayan at patuloy na nagpapagaling si Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) matapos na maospital dulot ng ‘mild stroke’.

Ayon kay Msgr. Paul Cuison-vicar general ng Archdiocese ng Davao, ika-23 ng Mayo ng dalhin sa ospital ang Arsobispo at nailabas noong ika-6 ng Hulyo.

Paliwanag ni Msgr. Cuison, nagtagal sa ospital si Archbishop Valles dulot na rin na ilang mga kumplikasyon tulad na rin ng acquired hospital pneumonia.

“As a close aide to the Archbishop, I am happy to let you know that he is getting back to normal self again in an almost miraculous way, with only a slight problem of his physical movement which is also showing great improvement,” ayon sa inilabas na pahayag ni Msgr. Cuison bilang opisyal na pahayag ng Arkidiyosesis sa kalagayan ni Archbishop Valles.

Sa katunayan ay nakapagdiwang na rin ng pribadong misa ang Arsobispo para sa kanyang ika-69 na kaarawan noong ika-10 ng Hulyo.

Nagpapasalamat naman ang simbahan ng Davao sa lahat ng mga nagpaabot ng panalangin para sa mabilis na paggaling ni Archbishop Valles.

“I am optimistic that it would just be a matter of days and he will be back to celebrate public masses for the faithful,” ayon pa sa kay Msgr. Cuison.

Pansamantala namang humalili bilang ‘acting president’ ng CBCP ang kasalukuyang bise-presidente na si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David .

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 58,801 total reads

 58,801 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 162,923 total reads

 162,923 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 199,711 total reads

 199,711 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 230,286 total reads

 230,286 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 276,292 total reads

 276,292 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top