CBCP, naglabas ng Pastoral Letter kaugnay sa Anti-terror law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 695 total reads

Hinihikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga pinuno ng bansa lalu na ang mga nanindigan para sa katarungan ng higit na nakakarami sa kabila ng naranasang krisis na dulot ng pandemya.

“May it teach us to rise above personal and political loyalties and make us redirect all our efforts towards the common good,” ayon pa sa pastoral statement na nilagdaan ni CBCP-acting president Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Sa inilabas ng pastoral statement, naninindigan ang CBCP sa pagtutol sa mapaniil na batas na mabilis ding ipinasa sa dalawang kapulungan ng kongreso sa kabila ng mga pagtutol ng iba’t-ibang sektor ng lipunan.

Nangangamba rin ang mga dalubhasa sa batas na mapanganib ang Anti-terror law dahil sa mga probisyon nito na labag sa Konstitusyon ng Pilipinas at banta sa pangunahing karapatan at kalayaan ng mga Filipino.

“And yet in government and their allies have dismissed these fears as unfounded. The assurance that they five sounds strangely parallel to that which the Chinese government gave to the people of Hongkong: “Activism is not terrorism. You have no reason to be afraid if you are not a terrorist,” ayon pa sa pastoral statement.

Ilang mga pagkakataon na rin ayon kay Bishop David na kabilang sa mga inakusahan bilang mga komunista ang mga nagsusulong ng pagbabago at mga usaping panlipunan.

Kabilang na dito ang mga pari, Obispo at mga relihiyoso na kinasuhan ng libel at sedition, maging ang mga napaslang sa mga police operations dahil pinaghihinalaang kriminal o sangkot sa ilegal na droga.

At sa kabila ng suliranin na kinakaharap ng bansa sa krisis na dulot ng pandemya ay mas inuna pa ng mga lider ng pamahalaan ang pagpapasara ng pinakamalaking TV Network sa bansa.

“Is it not evident to us how to this pattern if intimidation creates an athmosphere detrimental to the freedom of expression in our country.”

Ang mga pangyayaring ito ayon kay Bishop David ay tila maikukumpara rin sa nangyari sa bansa noong panahon ng dating Pangulong Marcos na naganap sa loob ng 14-na taon.

Umaasa naman ang Obispo na nanatiling buhay ang pag-asa ng bansa sa mga indibidwal, mga eksperto at nanindigan na ipaglaban ang pagmamahal sa bayan kabilang na ang iba’t ibang grupo na nagsumite ng walong petisyon sa Korte Suprema na kumukwestyon sa legalidad ng Anti-Terrorism Act.

“We could only wish that there would be more of them. That they are an important element to the strengthening of our government institutions, and are an essential key to a stable and functional democratic system,” ayon pa sa pahayag.

Una na ring humingi ng panalangin si Myanmar Cardinal Charles Bo sa CBCP para sa mamamayan ng Hongkong dahil na rin sa ipinatupad ng National Security Law kung saan hindi rin naiiba sa kalagayan ng mamamayan sa Pilipinas dahil sa Anti-Terrorism Act of 2020 na simulang ipatutupad ngayong araw.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 15,107 total reads

 15,107 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 16,074 total reads

 16,074 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 32,253 total reads

 32,253 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 69,630 total reads

 69,630 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 100,899 total reads

 100,899 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 176,085 total reads

 176,085 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 268,757 total reads

 268,757 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 16,076 total reads

 16,076 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »
Scroll to Top