Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 315 total views

Kapanalig, itong mga nakaraang araw, medyo numipis ang suplay ng kuryente sa Luzon.  Mas malakas kasi ang konsumo nating lahat ngayon dahil tagi-init, at nagkaroon ng konting aberya sa ating power lines. Mabilis man naresolba ito, nagdala ito ng pag-aalala sa marami nating mamamayan. Gaano ka-secure ang power o kuryente dito sa ating bansa?

Ngayong 2023 hanggang sa unang bahagi ng 2024, may nagbabantang el nino sa ating bayan. Mas malakas pihado lalo ang konsumo natin dahil sa mas mahabang tag-init. May mga aberya ding inaasahan sa ating mga power plants kaya nga’t noong nakaraang taon, nai-project ng Department of Energy na maaaring magkaroon ng 17 yellow alerts at tatlong red alerts ngayong taon.

Sabay din ng mga salik na ito, ay ang patuloy na pagtaas ng demand para sa kuryente sa ating bayan. Mabilis ang urbanisasyon sa ating bayan, at siyempre, habang umuunlad at nagiging moderno, mas nagkokonsumo tayo ng kuryente. Ngayong bumabangon din ang ekonomiya, mas malakas na power supply din ang kailangan.

Sa ngayon, sumasapat pa kahit papaano ang ating power supply sa bayan, huwag lamang may masira pa na power plant. Pero kapanalig, paano natin matitiyak na ang supply ng kuryente ay kayang sumabay sa tumataas ding power demand?

Isa sa maaring gawin ng pamahalaan, kapanalig, ay suriin at ayusin ang pagmimintina ng mga power plants ng bayan. Kailangan na silang mas tutukan dahil tinatayang mga 50% ng ating kuryente ay mula sa mga plantang mahigit 20 taon ng tumatakbo. Kung patuloy ang kanilang maayos na operasyon, kontrolado ang suplay ng kuryente. Pero, kailangan din nating isipin ang sustainability ng mga ito – para sa kalikasan at para sa ating kalusugan. Karamihan kasi sa kanila, fossil fuels ang gamit – masama sa kalikasan at sa ating katawan.

Kaya nga’t mainam na paraan ang pagtataguyod ng mga plantang gumagamit ng renewable energy. Sa ngayon, 22% lamang ng ating kuryente ay mula sa wind, solar, biofuels, at hydropower. Kung mapapalawig pa natin ito, mas diversified ang ating energy mix, bawas pa ang mga emisyong ating kinakalat sa kalawakan. Mababawasan pa ang gastos natin sa krudo.

Ang pagtitiyak ng suplay ng kuryente ay pagtitiyak din ng kinabukasan ng ating bayan. Ang kuryente ay kritikal sa lahat ng ating ginagawa – kung wala nito, paralisado ang ating bayan, at walang pag-unlad na maaasahan. Pero kailangan din nating maging environmentally responsible dito. Para sa ating mga Kristyanong Katoliko at ayon kay Pope Francis, maari nating responsableng harapin ang power demand sa pamamagitan ng pag-gamit ng clean energy – ng mga renewable energy. Kaya’t tagubilin na nga sa atin ng Laudato Si, palitan na natin ng renewable energy ang ating mga fossil fuels, bilang source ng ating power supply. Panahon na upang tutukan ng ating bayan ito.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 22,901 total views

 22,901 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 31,001 total views

 31,001 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 48,968 total views

 48,968 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 78,053 total views

 78,053 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 98,630 total views

 98,630 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 22,902 total views

 22,902 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 31,002 total views

 31,002 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 48,969 total views

 48,969 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 78,054 total views

 78,054 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 98,631 total views

 98,631 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 86,373 total views

 86,373 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,154 total views

 97,154 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,210 total views

 108,210 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,072 total views

 72,072 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 60,501 total views

 60,501 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 60,723 total views

 60,723 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 53,425 total views

 53,425 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 88,970 total views

 88,970 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 97,846 total views

 97,846 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 108,924 total views

 108,924 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top