Mining ban sa Pilipinas, panawagan ng Obispo ng Borongan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,833 total views

Iginiit ni Borongan Bishop Crispin Varquez na walang mabuting maidudulot ang patuloy na pagpapahintulot sa sektor ng pagmimina sa bansa.

Ayon kay Bishop Varquez, hindi dapat pahintulutan ng pamahalaan ang pagmimina na nagiging sanhi lamang ng pinsala sa kalikasan, lalo na sa mga mahihirap na pamayanang umaasa lamang sa pagsasaka at pangingisda.

“Hindi talaga dapat pinapayagan ang anumang klase ng mining. Destructive kasi ang pagmimina sa environment and community. Hindi lang ang mga tao ang mag-suffer kun’di kasama na ang kalikasan. Kaya ang Diocese of Borongan ay hindi talaga susuporta d’yan sa pagmimina lalo na dito sa Samar Island,” bahagi ng pahayag ni Bishop Varquez sa panayam ng Radio Veritas.

Magugunita nitong Abril nang maglabas ng pahayag ang Diyosesis ng Borongan laban sa pagmimina sa Homonhon Island sa Guiuan, Eastern Samar.

Sinabi ni Bishop Varquez na sa kabila ng kanilang panawagan ay patuloy pa ring pinapahintulutan ang mga pagmimina sa isla na unti-unting sumisira sa likas na ganda nito.

“Hindi lang naman mineral ang kinukuha nila kun’di pati ‘yung lupa, yung ore mine nila. Kaya ano pang maiiwan sa mga tao? Nasisira na ‘yung magandang kagubatan at bundok dito. ‘Yung water system or source of water is affected na pati ‘yung marine life and farm areas,” ayon kay Bishop Varquez.

Kaya naman muling nanawagan ang Obispo sa mga kinauukulan na ihinto na ang pagbibigay ng permit sa mga kumpanya ng pagmimina para mapigilan at mailigtas pa ang Homonhon Island mula sa tuluyang pagkasira.

Kaugnay nito, kinondena nina Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos at Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang “Big brother-Small brother” strategy ng Department of Environment and Natural Resources na layong makatulong para sa pag-unlad ng sektor ng pagmimina sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 44,560 total views

 44,560 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 72,565 total views

 72,565 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 90,365 total views

 90,365 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 88,459 total views

 88,459 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 197,562 total views

 197,562 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 12,086 total views

 12,086 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top