LASAC, nakahanda na sa pagtaas ng aktibidad ng bulkang Taal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,197 total reads

Nakahanda na ang Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) sa posibleng pagtaas ng aktibidad ng Taal Volcano.

Ayon kay LASAC Program Officer Paulo Ferrer, kasalukuyang nasa Alert Level 1 status ang Bulkang Taal kaya’t patuloy itong binabantayan katuwang ang Philippines Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Pagbabahagi ni Ferrer na kapag itinaas sa Alert Level 2 ang bulkan ay agad na itataas sa Code Blue ang operasyon ng LASAC na nangangahulugang 50 porsyento ay ilalaan para sa pagtugon sa sakuna.

“Once Code Blue, 50% ng operation is concentrated for the Emergency Operations Center; replenishment of stockpiled food and non-food items; organizational measures such as EOC organizational chart will be followed.” ayon kay Ferrer sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi naman ni Ferrer na maliban sa mga namamahala sa palaisdaan ay wala nang ibang residenteng naninirahan sa Taal Volcano Island (TVI) magmula nang ipagbawal ng PHIVOLCS ang pagpasok at pamamalagi rito na bahagi ng Permanent Danger Zone.

“Wala nang nakatira sa TVI. Ang mga naka-stay na lamang na fish pen operators ang nandoon para maglagay ng pakain sa isda on a daily basis.” saad ni Ferrer.

Batay sa ulat ng PHIVOLCS, naitala ang volcanic tremor sa paligid ng bulkan na nagpapatuloy simula alas-6:35 ng Hunyo 2, 2023, gayundin ang 9,391 toneladang sulfur dioxide na nagdudulot ng volcanic smog o vog.

Pinaalalahanan naman ng LASAC ang mga residenteng nasa paligid ng bulkan na gumamit ng N95 facemask bilang proteksyon sa vog; uminom ng maraming tubig para maiwasan ang iritasyon sa lalamunan at manatili na lamang sa loob ng mga tahanan para malimitahan ang pagkakalantad sa vog.

Patuloy naman ang panawagan ng Archdiocese of Lipa na maging mas mapagmatyag at handa, gayundin ang pananalangin ng Oratio Imperata kaugnay sa mga aktibidad ng Bulkang Taal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 11,949 total reads

 11,949 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 51,360 total reads

 51,360 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 86,660 total reads

 86,660 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 312,929 total reads

 312,929 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 205,592 total reads

 205,592 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 152,448 total reads

 152,448 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top