Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Layko, pari at relihiyoso, pinarangalan ng Santo Papa

SHARE THE TRUTH

 3,266 total views

Ibinahagi ng Archdiocese of Cebu na ilang indibidwal sa arkidiyosesis ang ginawaran ng pagkilala ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Ayon kay Archbishop Jose Palma, ang mga Papal awardees ay kaugnay sa pagdiriwang ng bansa sa 500 Years of Christianity kung saan sa Cebu unang itinanim ang binhi ng kristiyanismo.

Ilan sa mga igagawad na pagkilala ang ‘The 2022 Knights and Dames to the Equestrian Order of Saint Sylvester, Pope and Martyr; Pro Ecclesia Et Pontifice; at ang Papal Chaplains.

Ang Knights and Dames to the Equestrian Order of Saint Sylvester, Pope and Martyr na itinatag ni Pope Gregory XVI noong 1841 ay iginagawad ng santo papa bilang pagkilala sa mga laykong aktibong katuwang ng simbahan sa pagpapalaganap ng mabuting balita ng panginoon.

Ang Pro Ecclesia Et Pontifice naman ay iginagawad sa mga natatanging pari at laykong naglilingkod sa simbahan habang ang Papal chaplains naman ang iginagawad sa mga paring naglingkod ng mahabang panahon, may ‘ exceptional service’ sa simbahan o may katungkulan sa pamamahala ng diyosesis.
Ilan sa gagawaran ng pagkilala sa Knights and Dames to the Equestrian Order of Saint Sylvester, Pope and Martyr sina Dame Fe Mantuhac Barino, Dame Elisa Despi Chanlim, Dame Maria Luisa Chiongbian, Dame Margarita Maria Matheu, Dame Leticia Melinda Mendoza, Knight Wellington Chanlim, Knight Jose Enrique de las Peñas, Knight Simeon Dumdum Jr., Knight Socrates Fernandez at Knight Leo Manguilimotan.

Makatatanggap ng Pro Ecclessia et Pontifice naman si Sig. Alejandro Aguspina Jr., Sr. Maria Visminda Dumadag, LGC, Dr. Juliene Ereño, Sig. Jaime Irizari, Jr., Sig. Bernido Hing Liu, Sig. Edmund Hing Liu, Sig. Velentino Sandiego. Fr. Ernesto Javier, SJ, at Fr. Robert Villanueva, MSC.

Hinirang namang Papal Chaplains sina Msgr. Uldarico Flores, Msgr. Vicente Florido, Jr., at Msgr. Cristeto Mendez, CM.

Gaganapin ang Solemn Conferral and Investiture sa December 15, 2022 sa alas nuebe ng umaga sa Cebu Metropolitan Cathedral.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 7,899 total views

 7,899 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 15,999 total views

 15,999 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 33,966 total views

 33,966 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 63,304 total views

 63,304 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 83,881 total views

 83,881 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 3,325 total views

 3,325 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 8,934 total views

 8,934 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 14,089 total views

 14,089 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top