Lepanto Consolidated Mining company, binisita ni Bishop Bendico

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 748 total views

Pinangunahan ni Baguio Bishop Victor Bendico ang pagbisita sa operasyon ng Lepanto Consolidated Mining Company sa lalawigan ng Benguet.

Bahagi ito ng plano ng Diyosesis ng Baguio na bisitahin ang iba’t ibang minahan at makipag-diyalogo sa mga mananampalatayang may kaugnayan sa mga isinasagawang pagmimina sa kinasasakupan ng diyosesis.

Ayon kay Bishop Bendico, ipinaliwanag ng mga empleyado ng Lepanto Mining na mahigpit nilang sinusunod ang mga panuntunan upang matiyak na ligtas ang kalikasan at mga kalapit na komunidad sa kanilang isinasagawang operasyon.

Kabilang sa mga panuntunan ay ang pagkakaroon ng sanitary dump site para sa mga tailings at waste materials na nagmumula sa operasyon kung saan sinisiguro ng kumpanya na ligtas ito bago umagos patungo sa ilog.

“Meron silang ginagawang mga precautionary measures ng kanilang tailings and waste materials. Nakaabot kami hanggang sa releasing area ng mga tubig. We came to know na hindi nila basta-basta iniiwan ang kanilang tailings na hindi treated ng chemicals,” pahayag ni Bishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.

Isinagawa ng Obispo ang pagbisita sa Lepanto Mining nitong Hulyo 15 kasama ang mga pari at layko ng Diyosesis ng Baguio.

Umaasa naman ang diyosesis na mapapanatili ng kumpanya ang responsableng pagmimina upang patuloy na matiyak na ligtas ang kalikasan at mamamayan sa banta ng anumang panganib.

Samantala, nakatakda namang bisitahin ng Obispo sa Agosto 11 ang Padcal Mine operation ng Philex Mining Corporation.

“These are my plans in order to keep alive our advocacy for the protection of the environment in the diocese. The protection of the environment is one of our pastoral priorities in the diocese,” saad ni Bishop Bendico.

Nauna nang hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga financial institution sa bansa na huwag nang mamuhunan sa mga mapaminsalang kumpanya ng pagmimina at sa halip ay paglaanan ng pondo ang pagpapaigting at pagsusulong sa renewable energy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 22,294 total views

 22,294 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 96,908 total views

 96,908 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 176,987 total views

 176,987 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 220,126 total views

 220,126 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 219,875 total views

 219,875 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top