Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Litung-lito, hilung-hilo

SHARE THE TRUTH

 246 total views

Mga Kapanalig, ipinalabas noong nakaraang Huwebes ng administrasyong Duterte ang isang dokumentaryo tungkol sa mga nagawa nito sa unang limampung araw sa panunungkulan. Gaya ng inaasahan, unang-unang ibinida rito ang digmaan laban sa masamang droga.
Karugtong ng footage ng sumusukong mga pusher at adik, sunud-sunod ang mga larawan ng mga bangkay na nakabulagta sa kalye. Marami ang may nakasabit na karatulang nagsasabing “Pusher ako. Huwag tularan.” Iyon ay tandang pinatay sila, hindi ng mga pulis kundi ng vigilante.

Ang mga pagpatay na iyon ay krimen sapagkat hindi nangyari sa opisyal na operasyon ng pulis. Ngunit kung ang video lang ang titingnan at hindi pakikinggan ang sinasabi ng tagapagsalaysay, maaaring malito ang mánonoód. Maaari niyang isipin: “Tama palang ikatuwâ ang mga krimeng iyon bilang bahagi ng tagumpay ng administrasyon laban sa masamang droga.”

Hindi lang ito ang pagkakataong nakalilito ang di-maingat na pagbibigay-mensahe ng pamahalaan. Nariyan ang “shoot to kill policy” ng pangulo at ng hepe ng pambansang kapulisan. Kaya’t ang isang hindi mapanuring tagapanood o tagapakinig ng balita ay maaaring isipin ang ganito: “Tama palang ang pakay ng pagtugis sa mga pinaghihinalaang kriminal ay patayin sila, sa halip na dakpin at litisin. Tama palang kapulisan at hindi korte ang maghatol sa kanila, at magpataw ng parusang kamatayan.”

Nariyan din ang sinabi ni Pangulong Duterte sa Tondo kinagabihan ng kaniyang inagurasyon. Wala na aniyang pag-asang magbago ang mga lulong sa droga, at dapat daw na pagpapatayin na lamang sila. Muli, kung hindi mapanuri ang tagapakinig, iisipin niyang: “Tama palang ituring ang gumagamit ng masamang droga hindi bilang biktima, kundi bilang kriminal na ang sala’y kasimbigat ng sa pusher o drug lord, kaya’t tama ring magkasimbigat ang parusa sa kanila.”

Mga Kapanalig, kapag tayo’y nalilito, kailangan ng mga batayan sa pagkilatis kung ano ang tama at ano ang mali. Magandang batayan ang ilang katuruang panlipunan ng Simbahan na inilahad ng Second Plenary Council of the Philippines o PCP-II.

Sinasabi ng PCP-II na ang tamang pag-unlad ay ganap at buo, nakabatay sa pantaong dangal at pagkakaisa. Kailangan naman talagang mapuksa ang masamang droga upang umunlad ang ating bansa. Nakasisira ito sa dangal at kakayahang umunlad ng mga gumagamit at nagbebenta nito. Ngunit hindi nabubura ang dangal ng tao, at ang mga karapatan niya, dahil gumagamit siya o nagbebenta ng masamang droga. Kinikilala ba ng pamahalaan ang dangal ng biktima at ng pinaghihinalaang galamay nito? Kinikilala ba ang karapatan nilang dumaan sa tamang proseso ng paglilitis bago mahatulan? Kinikilala ba ang kanilang kakayahang magbagong-buhay? Kinikilala ba natin ang ating pananagutan, bilang kapwa-mamamayan ng iisang bansa at kapatid nila sa iisang Diyos, na tulungan silang gamitin ang potensyal na ito?

Isa pang prinsipyo ng katuruang panlipunan ng Simbahan ang katarungang panlipunan at pag-ibig, o sa Ingles, social justice and love. Sinasabi ng pamahalaang karahasan ang magbibigay-katarungan sa mga biktima ng masamang droga. Ngunit tunay bang katarungan ang pagpatay sa mga adik at pusher, gayong aminado ang pamahalaang hindi nito kayang habulin at panagutin ang mga dayuhang drug lords? Hindi ba mas makatarungan at mapagmahal na unawain kung bakit nalululong ang tao sa masamang droga, at alamin ang mga paraan para maiiwasan ito at para mabibigyan ng alternatibong kabuhayan ang mga pusher? Ang pagpatay ba ay solusyong mapagmahal?

Ang huling prinsipyong mahalagang isaisip ay kapayapaan at pagtanggi sa karahasan, peace and active non-violence. Sinasabi ng pamahalaan na ang karahasan ng digmaan laban sa masamang droga ay magbibigay-daan sa kapayapaan. Kung gayon, bakit sumasabay ang dumaraming krimen ng pagpatay na hindi nasosolusyonan? Kapayapaan ba ang umiiral kung ang mga tao, lalo na ang mahihirap, ay natatakot mapagbintangang pusher o adik at basta-basta patayin?

Mga Kapanalig, tungkulin ng pamahalaang kilusan ang suliranin ng masamang droga. Ngunit tungkulin din natin bilang Kristiyano na tanungin kung ang pamamaraan ng pamahalaan ay naaayon sa ating mga prinsipyo. At kung hindi, tungkulin nating tulungan ang pamahalaang maghanap ng mabuti at mabisang paraan.
Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 25,953 total views

 25,953 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 34,053 total views

 34,053 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 52,020 total views

 52,020 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 81,081 total views

 81,081 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 101,658 total views

 101,658 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 25,954 total views

 25,954 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 34,054 total views

 34,054 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 52,021 total views

 52,021 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 81,082 total views

 81,082 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 101,659 total views

 101,659 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 86,584 total views

 86,584 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,365 total views

 97,365 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,421 total views

 108,421 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,283 total views

 72,283 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 60,712 total views

 60,712 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 60,934 total views

 60,934 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 53,636 total views

 53,636 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 89,181 total views

 89,181 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 98,057 total views

 98,057 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 109,135 total views

 109,135 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top