Lock down with Jesus, inilunsad kasabay ng 33rd sacerdotal anniversary ni Fr. Faller

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,013 total reads

Ipinagpapasalamat ni Healing priest Fr. Joey Faller sa biyaya ng misyon at bokasyon na ipinagkatiwala sa kanya ng Panginoon.

Sa panayam ng Radio Veritas ibinahagi ni Fr. Faller ang kagalakang maglingkod sa healing ministry sa kabila ng mga kahinaan.

“Pasalamat po ako sa Panginoon sapagkat ito po ay biyaya ng Diyos hindi man ako karapat-dapat pero pinili Niya akong maging kasangkapan na maging kanyang kinatawan dito sa lupa higit sa lahat ginagamit Niya ako sa healing mnistry,” pahayag ni Fr. Faller.

Ipinagdiwang ni Fr. Faller ang ika-33 anibersaryo ng pagkapari noong September 9, 2022 kung saan inilunsad din ang aklat na ‘Lock down with Jesus’.

Ayon sa pari bagamat sarado ang Kamay ni Hesus Healing Church sa Lucban Quezon ay ginamit itong pagkakataon upang mailathala ang mga pagninilay na magbibigay pag-asa sa mamamayang nalulumbay bunsod ng kinakaharap na suliranin.

“Ito ay para makapagbigay ng inspirasyon, at pag-asa sa mga tao lalo’t higit sa panahong lubog na lubog tayo, sa panahong napakadilim ng mundo, yung panahon na tayo ay nawawalan ng pag-asa kailangang sumikat ang liwanag ng presensya ng Panginoon,” ani Fr. Faller.

Binigyang diin ni Fr. Faller tanging si Hesus ang nagpapagaling sa mga may karamdamang lumalapit sa kanya na nagsisilbi naman siyang daluyan ng biyaya nang pagpapagaling bilang pastol.

September 9, 1989 nang maordinahan si Fr. Faller bilang pari at kasalukuyang pinangangasiwaan ang Kamay ni Hesus Healing Church kasama ang ilang pari ng Diocese of Lucena.

Sa mga nais makakuha ng kopya ng aklat na ‘Lock down with Jesus’ maaring makipag-ugnayan sa official Facebook Page ng Kamay ni Hesus Healing Church at sa Veritas Truthshop.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 68,546 total reads

 68,546 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 104,057 total reads

 104,057 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 139,357 total reads

 139,357 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 365,627 total reads

 365,627 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 255,172 total reads

 255,172 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top