Maalab na pananampalataya ng mga Filipino, ipinagdarasal ng CBCP sa pagdiriwang ng Easter Sunday.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 615 total reads

Umaasa ang opisyal ng Basic Ecclesial Community ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na mas mag-alab ang damdamin ng mananampalataya sa pagpapalaganap ng misyon ni Hesus.

Ito ang mensahe ni Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan, chairman ng komisyon sa pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo.

Ayon sa arsobispo, nawa’y mas umigting ang sigla ng pananampalatayang kristiyano ngayong ipinagdiriwang ang ikalimang sentenaryo nito sa Pilipinas
lalo’t higit sa bawat pamilya.

“Nawa’y maging mas masigla tayo at mag-alab sa bawat puso ang pagbabahagi ng pananampalataya sa sanlibutan mula sa ating mga pamilya lalo ngayong ipinagdiriwang natin ang 500 taon ng kristiyanismo at ang muling pagkabuhay ng Panginoon,” bahagi ng mensahe ni Archbishop Cabantan sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng arsobispo na sa matagumpay na pagtawid ni Hesus sa kamatayan ay nanaig ang pag-ibig, kapayapaan at higit sa lahat ang katarungan sa sanlibutan.

Ito rin ay nagpapatunay na higit nangibabaw ang katarungan ng Diyos kaysa sa kasamaan at natubos ang sanlibutan dahil sa pag-alay ng sariling buhay ng anak ng Diyos.

Bukod dito hiniling din ni Archbishop Cabantan sa mananampalataya na ipanalangin ang mamamayang nahihirapan dulot ng pandemya at ang mga katutubo na patuloy nakikibaka para sa katarungan at kapayapaan sa kani-kanilang komunidad.

“Ipanalangin din natin ang mamamayang nagdurusa sa gitna ng pagsasaya ng lahat sa Muling Pagkabuhay ng Panginoon; ang mga naapektuhan ng pandemya, ang mga lumad na patuloy naghahangad ng kapayapaan batay sa katarungan, paglago ng komunidad ng mga katutubo at proteksyon sa mga lupang minana na nahaharap sa banta ng industriyalisasyon,” ani ng arsobispo.

Sa Pilipinas kadalasang biktima ng red-tagging ang mga lumad dahil sa alegasyon ng pakikiiayon sa rebeldeng grupo.

Unang nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco sa bawat lider ng mga bansa na bigyan ng pantay na karapatan ang bawat mamamayang nasasakupan sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw, pananampalataya at tradisyong kinagisnan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 103,955 total reads

 103,955 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 180,609 total reads

 180,609 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 214,057 total reads

 214,057 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 249,357 total reads

 249,357 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 471,850 total reads

 471,850 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top