Mababang ‘royalty rate’ sa mga minanahan, tinutulan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,589 total reads

Mariing tinututulan ng advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagbabawas ng royalty rate sa pagmimina mula limang porsyento hanggang tatlong porsyento.

Ayon kay Caritas Philippines President at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang pagbabawas sa royalty rate na ipinapanukala ng kongreso ay malinaw na pagtataksil sa mamamayan, lalo na sa mga pamayanang apektado ng pagmimina.

Iginiit ni Bishop Bagaforo na ang royalty shares ay dapat ibigay ng mga kumpanya ng pagmimina sa mga pamayanan bilang kabayaran sa mga pinsalang dulot ng minahan, sa halip na gamitin para sa pansariling kapakinabangan.

“The reduction of the royalty rate will only benefit the mining companies and their shareholders while leaving the communities to bear the brunt of the environmental and social costs of mining,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Babala naman ng obispo na ang pagbabawas sa royalty rate ay magiging pagsubok para panagutin ang malalaking mining companies sa pinsala sa kalikasan at pamayanan.

Sinabi ni Bishop Bagaforo, nakababahala na mas mapapadali nito ang pagpapahintulot upang lumago pa ang industriya ng pagmimina sa bansa dahil mababawasan ang mga susunding environmental regulations.

“With the lower royalty rate, mining companies are incentivized to comply less with environmental and social regulations. This will put the welfare of the communities and the ecosystems at risk,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Matagal nang naninindigan ang Caritas Philippines sa pagtutol sa operasyon ng pagmimina na sumisira sa likas na yaman ng bansa, at umaabuso sa karapatan ng mga apektadong pamayanan.

Naniniwala ang simbahan na maraming pamamaraan ang maituturing na ligtas tungo sa hangaring mapaunlad ang ekonomiya ng bansa, sa halip na patuloy na mamuhunan sa mga mapaminsalang proyekto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 105,367 total reads

 105,367 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 181,962 total reads

 181,962 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 215,410 total reads

 215,410 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 250,710 total reads

 250,710 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 473,146 total reads

 473,146 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,614 total reads

 158,614 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top