Magbuklod sa gabay ng Birheng Maria, paanyaya ni Archbishop Tirona sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,062 total reads

Hinimok ng pinunong pastol ng Archdiocese of Nueva Caceres ang mananampalataya na palalimin ang debosyon at pananampalataya.

Ito ang mensahe ni Archbishop Rolando Tria Tirona sa paghahanda ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Penafrancia at Divino Rostro sa Setyembre.

Ayon sa Arsobispo tulad ng hamon ni Pope Francis sa Synod on Synodality mahalagang magbuklod ang mananampalataya sa gabay ng Mahal na Birheng Maria upang mas lumago ang simbahan sa pagmimisyon sa nasasakupang kawan.

“During this feast of Penafrancia let us deepen our sense of communion, let us actively participate and let us open our hearts towards a missionary church,” ayon sa mensahe ni Archbishop Tirona.

Paliwanag ng arsobispo dito nakabatay ang tema sa kapistahan na ‘Mary accompanies us in our journey towards a synodal church’ bilang pagpapaigting sa pagsasabuhay ng Arkidiyosesis sa synodality o sama – samang paglalakbay bilang simbahan.

Ayon kay Archbishop Tirona na sa pamamagitan ng dayalogo at pakikipag ugnayan ng simbahan at mananampalataya higit na lumago ang simbahang nagmimisyon tungo sa paghubog ng espiritwalidad ng sangkatauhan.

Binigyang-diin ng Arsobispo na sa tulong ng Mahal na Ina ay mas mahimok ang mananampalataya na tumugon sa tawag ng pagmimisyon.

“The Blessed Mother journeys with us, enlightens us, accompanies us and above all encourages us in this beautiful mission,” dagdag ni Archbishop Tirona.

Ang pista ng Penafrancia ang isa sa malalaking pista sa Pilipinas na dinadayo ng libu-libong deboto sa Bicol region at iba pang bahagi ng Pilipinas.

Sa pinagsamang pahayag ng Arkidiyosesis at lokal na pamahalaan ng Naga City muling pahintulutan ang pagdiriwang ng kapistahan ngayong taon makaraan ang dalawang taong pagpaliban dahil sa COVID-19 pandemic.

Gayunpaman mahigpit na paalala ng simbahan at lokal na pamahalaan na sundin ang mga safety protocols upang makaiwas sa posibilidad na mahawaan ng virus.

Bukod tanging mga kasapi ng Cofradia de San Jose ang maaring bubuhat sa andas ng El Divino Rostro at Mahal na Birhen ng Penafrancia.

Sa mga mananampalatayamg makiisa sa pagdiriwang at prusisyon maaring hintayin sa dadaanan ng ruta ng prusisyon, magsindi ng kandila, maghanda ng puting panyo at mga bulaklak.

Paanyaya ni Archbishop Tirona sa mananampalataya ang pakikiisa sa panalangin at pagsunod sa mga alintuntunin para sa ikatatatagumpay ng mahalagang pagdiriwang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 81,381 total reads

 81,381 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 115,818 total reads

 115,818 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 151,118 total reads

 151,118 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 377,387 total reads

 377,387 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 266,428 total reads

 266,428 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top