Maging kasangkapan ng pag-asa at pagbabago, panawagan ng simbahan sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,689 total views

Hinihikayat ng simbahan ang mga mananampalataya na maging kasangkapan ng pag-asa at pagbabago sa pagdiriwang ng Laudato Si’ Week ngayong taon.

Kasabay ng pagdiriwang sa Linggo ng Pentekostes ay muling pangungunahan ng Laudato Si’ Movement, sa tulong ng Vatican Dicastery for Promoting Integral Human Development, ang pagdiriwang sa Laudato Si’ Week mula May 19 hanggang 26, 2024.

Tema ng Laudato Si’ Week 2024 ang “Seeds of Hope’ na hango mula sa simbolo para sa Season of Creation 2024 na “Firstfruits of Hope”.

Layunin ng pagdiriwang na pagtuunan at higit na maipaunawa sa mananampalataya ang apostolic exhortation ng Kanyang Kabanalan Francisco na Laudate Deum, na sumusuporta sa ensiklikal na Laudato Si’, upang maging inspirasyon para sa personal at kultural na pagbabago sa gitna ng nararanasang krisis sa kalikasan at klima.

There are no lasting changes without cultural changes… and there are no cultural changes without personal changes,” ayon sa Laudato Si’ 70 ni Pope Francis.

Maliban dito, gugunitain din sa linggong ito ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkakalathala ni Pope Francis sa Laudato Si’, gayundin ang pagbabahagi ng Santo Papa ng kanyang mensahe para sa World Day of Prayer for the Care of Creation, na ginugunita tuwing September 1, ang simula ng Season of Creation.

Sa inilabas na Celebration Guide para sa Laudato Si’ Week ay iminumungkahi ang pang-araw-araw na gawain tulad ng Ecological Conversion Sunday; Sustainable Transportation Monday; Sustainable Food Tuesday; Renewable Energy Wednesday; Waste Reduction Thursday; Water Conservation Friday; Catechesis and Integral Ecology Saturday; at Reflection and Commitment Sunday.

Inaasahan sa isang linggong pagdiriwang ay mahikayat ang lahat na higit na palalimin ang paggalang sa sangnilikha, itaguyod ang mga gawaing makakatulong sa kalikasan, at patatagin ang pangako tungo sa buhay na sapat at may paggalang sa nag-iisang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 50,699 total views

 50,699 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 94,307 total views

 94,307 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 177,736 total views

 177,736 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 191,098 total views

 191,098 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top