Maging katuwang sa pagpapalaganap ng katotohanan sa sanlibutan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,649 total reads

Inihayag ni Malolos Bishop Dennis Villarojo na ito ang patuloy na hamon ng namayapang si Pope Emeritus Benedict XVI sa bawat isa.

Sa isinagawang Requiem Mass ng Diocese of Malolos para sa yumaong dating Santo Papa ay binalikan ni Bishop Villarojo ang episcopal motto ni Pope Benedict XVI na “Cooperatores Veritatis” o Cooperators of the Truth na panawagan sa bawat isa na maging katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng katotohanan.

“Si Papa Benedicto ay mayroong motto sa kanyang pagka-pari hanggang sa kanyang pagiging Santo Papa “Cooperatores in Veritate” – Collaborators in the Truth, hindi sinasabing owners of the truth, masters of the truth hindi niya sinasabi yan, collaborator lang – katuwang at yun naman talaga ang nararapat na magiging pagturing natin sa katotohanan.” pagninilay ni Bishop Villarojo.

Ayon sa Obispo, ang lahat ay tinatawagan upang maging katuwang ng katotohanan na gabay ng bawat isa sa kung ano ang tama at mali gayundin ang mabuti at masama.

Ipinaliwanag ni Bishop Villarojo na ang katotohanan ay hindi maaaring maging pag-aari ng isang tao.

“Tayo ay katuwang lang ng katotohanan, ang katotohanan ang magsilbing hukom sa atin kung tayo ay tama ba o mali, kung tayo ba ang gumagawa ng mabuti o gumagawa ng masama, we are judge by the truth, we do not own the truth and the truth sabi nga ng ating Panginoon shall set us free, hindi ang katotohanan ang nagpapabusabos ng tao, ang katotohanan ang nagsisilbing gabay upang tayo ay maging malaya at mabuti, banal sa harap ng Diyos.” Dagdag pa ni Bishop Villarojo.

Sinabi ng Obispo na mananatiling buhay ang ideya at mga naiakda ni Pope Benedict na pawang nagsusulong sa kahalagahan ng katotohanan.

Sa halos siyam na taong pagsisilbi bilang pinunong pastol ni Pope Benedict XVI mula ng maihalal noong April 19, 2005 ay tatlong encyclical ang nailathala nito na “Deus Caritas Est noong December 25, 2005; ang Spe Salvi noong November 30, 2007; at ang Caritas in Veritate noong June 29, 2009 bago siya nagbitiw sa kanyang tungkulin noong February 28, 2013.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 2,502 total reads

 2,502 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 12,228 total reads

 12,228 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 84,599 total reads

 84,599 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 171,100 total reads

 171,100 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 214,134 total reads

 214,134 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 263,327 total reads

 263,327 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 2,503 total reads

 2,503 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »
Scroll to Top