Ipag-adya ang Pilipinas sa mapinsalang sakuna, panalangin ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,437 total reads

Ipinapanalangin ni Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan ang patuloy na kaligtasan at patnubay ng Panginoon sa mga biktima ng sama ng panahon na nakaapekto sa halos buong bansa.

Ayon kay Archbishop Cabantan, ito nawa’y hindi maging sanhi ng pagkawala ng pananalig sa Panginoon ng mga higit na apektado ng kalamidad, at sa halip ay mas lalo pang magtiwala upang tumatag ang pananampalataya.

“Loving Father, we always celebrate the new year with a lot of hope, and despite all the calamities that we suffer, we always hold on to our faith. And with Your help, it may also help us to recover, especially for those who are victims of calamities like the flood, so that they may also recover from their difficult situation right now,” panalangin ni Archbishop Cabantan mula sa panayam ng Radio Veritas.

Higit na naapektuhan ng shearline mula sa low pressure area ang Northern Mindanao partikular ang lalawigan ng Misamis Occidental na nagdulot ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa tuluy-tuloy at malakas na pag-ulan.

Naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang nasa halos 700-libong indibidwal o 171-libong pamilyang lubhang apektado ng kalamidad.

Una nang nagpadala ng P200-libong halaga ng tulong ang Caritas Manila sa Archdiocese ng Ozamis kasunod ng pag-apela ng tulong at panalangin ni Archbishop Martin Jumoad.

Patuloy naman ang panawagan ng Simbahan sa publiko na pangalagaan ang kalikasan at patuloy na manalangin upang ipag-adya ang bansa mula sa anumang sakuna.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 3,801 total reads

 3,801 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 14,357 total reads

 14,357 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 86,593 total reads

 86,593 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 173,094 total reads

 173,094 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 216,128 total reads

 216,128 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 265,240 total reads

 265,240 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 193,410 total reads

 193,410 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top