Maging mapanuri sa mga impormasyong lumalabas sa impeachment trial

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,670 total reads

Nanawagan si San Juan Lone District Representative Ysabel Maria Zamora, miyembro ng House Prosecution Panel, sa publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong lumalabas kaugnay ng nagpapatuloy na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Zamora na mahalagang personal na subaybayan ang mga pagdinig upang makita ang mga ebidensyang inihaharap ng magkabilang panig.

Ipinaliwanag ng mambabatas na hindi lamang dapat umasa sa mga balitang nababasa o napapanood lalo na sa social media sa halip ay subaybayan mismo ng taumbayan ang kabuuan ng proseso upang magkaroon ng patas na pag-unawa sa mga argumento ng prosekusyon at depensa.

“Sa mga mainstream media at sa social media, sana po ay maging mapanuri tayong lahat sa mga balitang lumalabas tungkol sa impeachment. Panoorin po natin kung ano talaga ang nangyayari upang makita natin ang dalawang panig.

Hindi ko po ito sinasabi dahil bahagi ako ng prosecution panel, kundi upang makita ng publiko ang ebidensyang inilalahad ng prosecution at ang depensa ng kabilang panig,” Bahagi ng pahayag ni Zamora.

Iginiit din ng kongresista na malinaw sa Senate Rules on Impeachment Trials na ang lahat ng kalahok sa paglilitis, kabilang ang mga Senator-Judges, prosecutors, at defense lawyers, ay inaasahang magpakita ng pagiging patas at walang kinikilingan sa buong proseso.

Ayon kay Zamora, nararapat lamang na iwasan ng mga Senator-Judges ang anumang kilos o pahayag na maaaring magbigay ng impresyong may nauna na silang pasya bago pa man marinig ang lahat ng ebidensya.

“Nakalagay mismo sa Senate rules na ang mga partido, kabilang ang Senator-Judges, prosecutors, at defense lawyers, ay dapat magpakita ng impartiality. Huwag naman po nilang ipakita ang malinaw na bias, sapagkat sila ang mga hukom sa paglilitis. Ang hinihingi lamang natin ay maging bukas silang pakinggan ang magkabilang panig at timbangin ang lahat ng ebidensya bago magpasya,” dagdag ni Zamora.

Patuloy namang hinihikayat ng House Prosecution Panel ang publiko na maging mapanuri at nakabatay sa katotohanan ang paghusga sa nagpapatuloy na impeachment proceedings bilang bahagi ng demokratikong proseso ng pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan.

Puspusan namang isinusulong ng Simbahang Katolika na pairalin ang katotohanan, katarungan, at paglilingkod sa bawat mamamayan bilang pundasyon ng tunay na kabutihang panlahat o ng common good.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 73,606 total reads

 73,606 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 213,416 total reads

 213,416 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 329,192 total reads

 329,192 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 446,987 total reads

 446,987 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top