Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Magkaugnay ang Pilipinas at Sudan

SHARE THE TRUTH

 492 total views

Mga Kapanalig, malaki ang ating pasasalamat sa pamahalaan para sa hindi nito pagpapabaya sa ating mga kababayang naipit—at patuloy na naiipit—sa lumalalang tensyon sa bansang Sudan. Ang nangyayaring gulo roon ay bunga ng agawan sa kapangyarihan at kontrol ng dalawang dalawang grupong nagpatalsik sa presidente ng Sudan noong 2019.  

Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, mahigit isandaang Pinoy evacuees na ang nakabalik ng Pilipinas sa tulong ng Department of Migrant Workers (o DMW) at ng Department of Foreign Affairs (o DFA). Inaasahan namang makababalik na ng bansa ang mahigit 660 na mga Pilipinong nakaalis na ng Khartoum, ang kabisera ng Sudan. May mga patawíd na ng border ng Sudan at Egypt, habang ang iba naman ay nasa Cairo, Egypt kung saan may repatriation flights nang inihanda ang ating gobyerno. May ilan namang sa Jeddah, Saudi Arabia lilipad pabalik ng Pilipinas. 

Dahil sa trauma na dinanas ng ating mga kababayan sa Sudan, agad silang binibigyan ng psycho-social intervention pagdating sa bansa. Hindi biro ang takot na maaaring nakatatak na sa kanilang isipan. Ang mga overseas Filipino workers (o OFW) naman ay makatatanggap ng limampung libong piso mula sa DMW. Ganito rin ang halagang ipagkakaloob ng Overseas Workers Welfare Administration (o OWWA). Tutulungan naman ng DMW na mahanapan ng employers sa ibang bansa ang mga Pinoy skilled workers na nawalan ng trabaho sa Sudan. 

Ang pagkakaipit sa digmaan ang isa sa mga nakatatakot na karanasang kinakaharap ng mga kababayan nating naghahanap lamang ng trabahong magbibigay sa kanila ng kakayahang maitaguyod ang kanilang naiwang pamilya. Isa ito sa mga peligrong handang suungin ng mga ama, ina, kapatid, at anak para lamang mabigyan ng magandang buhay ang mga umaasa sa kanila, isang magandang buhay na mailap sa kanila sa sarili nating bayan. Ayon sa DMW, kabilang sa mga OFWs sa Sudan ay mga guro, nars, construction workers, at engineers—mga talentong pinakikinabangan sana natin sa Pilipinas kung sapat ang mga oportunidad dito para sa mga katulad nila. Kung ang mga OFWs sa Sudan ay may pagkakataon sa Pilipinas na makatanggap ng suweldong natatanggap nila sa ibang bayan, tiyak na hindi nila pipiliing iwan ang kanilang pamilya at makipagsapalaran sa ibayong-dagat. 

Ang pangingibang-bansa upang magtrabaho ay isang karapatang kinikilala ng ating Simbahan. Ang karapatan namang ito ay nakabatay sa katuruan ng ating Santa Iglesia na ang lahat ng biyayang matatagpuan sa mundong nilikha at pinagkaloob sa atin ng Diyos ay para sa lahat. Sa mata ng Diyos, tayo, bilang nilikhang kawangis niya ayon nga sa Genesis 1:27, ay pantay-pantay. Kapag hindi makamit ng isang tao ang isang makahulugang buhay sa sarili niyang bayan, siya ay may karapatang hanapin ito sa ibang lugar.

Gayunman, nananatili ang tungkulin ng mga namumuno ng mga bansang tiyaking hindi mapipilitan ang mga mamamayan nilang lisanin ang kanilang bayan, lalo na kung ilalagay nito sa alanganin ang kanilang buhay. Sa kalagayan natin ngayon sa Pilipinas, hindi natin maitatangging kaakit-akit para sa marami sa ating mga kababayang makipagsapalaran sa ibang bayan. Hindi natin sila masisisi. Kaya nararapat lamang na laguing nariyan ang ating pamahalaan para sa ating mga OFWs, bagay na nakikita naman natin ngayon sa pagtugon nila sa epekto ng gulo ng Sudan sa mga kababayan nating naroroon. Ngunit marami pang kailangang gawin, lalo na sa paglikha ng mga oportunidad sa ating bansa nang sa gayon ay hindi na kailanganing mangibang bansa ng mga naghahanap ng trabaho. 

Mga Kapanalig, ipanalangin natin ang kapayapaan sa buong mundo, lalo na sa mga bansang katulad ng Sudan. Sa naging epekto ng kaguluhan doon sa ating mga OFWs, nakikita natin ang katotohanang lahat tayo—nasaan man sa mundo—ay magkakaugnay.  

Sumainyo ang katotohanan.  

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 12,630 total views

 12,630 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 21,299 total views

 21,299 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 29,479 total views

 29,479 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 25,527 total views

 25,527 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 37,578 total views

 37,578 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 12,631 total views

 12,631 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Functional Literacy Crisis

 21,300 total views

 21,300 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 29,480 total views

 29,480 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kinabukasan

 25,528 total views

 25,528 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 37,579 total views

 37,579 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 55,384 total views

 55,384 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 84,389 total views

 84,389 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 104,953 total views

 104,953 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 86,878 total views

 86,878 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,659 total views

 97,659 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,715 total views

 108,715 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,577 total views

 72,577 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 61,006 total views

 61,006 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 61,228 total views

 61,228 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 53,930 total views

 53,930 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top