Maglakas-loob na mangarap

SHARE THE TRUTH

 281 total views

Mga Kapanalig, sa ikalawang taon, gugunitain natin ang mga Mahal na Araw nang wala ang mga nakaugalian nating tradisyon. Wala muli ang palaspas, mga prusisyon, mga visita iglesia, at iba pang banal na mga pagtitipon sa pinakamahalagang panahon sa ating Simbahan, ang pinakamahalagang linggo ngayong panahon ng Kuwaresma. Isasakripisyo natin ang mga ito bilang pagtalima na rin sa kautusan ng pamahalaang iwasan muna ang mga sama-samang gawain upang mapabagal ang pagkalat ng hindi pa rin nasusugpong COVID-19.

Hindi maikakailang marami na sa atin ang pinanghihinaan na ng loob, nababalisa, at nakararamdam ng kawalang pag-asa sa gitna ng mga nakatatakot na mga balita. Hindi naging madali ang nagdaang taon para sa mga kapatid nating nawalan ng hanapbuhay dahil na rin sa pagsasara ng mga negosyo at kahirapan sa pagbabalik sa kani-kanilang trabaho. Hindi rin ito madali sa mga kababayan nating nahawahan ng sakit at patuloy pa ring natatakot, o namatayan ng mahal sa buhay at hindi pa rin matanggap ang kanilang pagkawala. Naging matindi ang mga pagsubok sa napakarami sa atin at tila ba ang bawat araw ay isang pagsuong muli sa kadiliman at kawalang-katiyakan. Hindi rin nakatutulong ang kawalang direksyon ng mga ginagawang hakbang ng ating pamahalaan at hanggang ngayon, tayong mga mamamayan pa rin ang kanilang sinisisi sa paglala ng ating kalagayan. Tunay ngang napakahirap ng pinagdaraanan ng ating bayan.



Ngunit ang panahon ng mga Mahal na Araw ay isang paanyaya sa ating ilapit sa ating Panginoon ang lahat ng nilalaman ng ating puso dahil maging si Hesus ay naranasang magdusa, maghirap, at pumasan ng krus. Kahapon, Linggo ng Palaspas, pumasok si Hesus sa Jerusalem hindi upang ipanumbalik ang kaharian ni David katulad ng inaasahan sa kanya. Matutunghayan natin ang pagpapahid ng langis ni Maria kay Hesus, ngunit ito ay para sa kanyang kamatayan. Kakain siya ng hapunan kasama ang kanyang mga disipulo at doon ay ipahihiwatig niya ang pagtataksil sa kanya at ang kanyang kamatayan. Makikita natin siyang magdadalamhati sa hardin ng Getsemane at ilalahahad sa Diyos ang kanyang mga saloobin, hanggang sa kanyang tatanggapin ang pagpasan ng krus para sa ating mga kasalanan.



Hindi natin maihahalintulad ang pagdurusang pinagdaanan ni Hesus sa kasalukuyang krisis na kinakaharap nating lahat. Ngunit pagbahaginan natin ang mensahe ng pag-asa ng mga Mahal na Araw. Wika nga sa ikawalang aklat ni Timoteo 2:11-12, “Kung tayo’y namatay na kasama ni Hesukristo, mabubuhay din tayong kasama niya. Kung tayo’y nagtitiis ng hirap sa mundong ito, maghahari din tayong kapiling niya.” Paalala ang mga Mahal na Araw na may saysay ang ating pinagdaraanan, na may malalim na kahulugan ang paghihirap na ating dinaranas. Dahil sa mga Mahal na Araw, makikita nating humantong man sa kamatayan si Hesus, muli siyang mabubuhay, at ganoon din tayo. Hindi man natin nakikita ang sagot sa napakarami nating mga tanong, hindi man natatanaw ang pagtatagumpay sa mga pagsubok, hindi man naiibsan ang sakit na ating nararanasan, maalala nawa nating kapiling natin si Hesus habang ating tinatahak ang sarili nating mga kalbaryo sa buhay.

Sa kanyang aklat na Let Us Dream, pinapaalala sa atin ni Pope Francis na nabubuhay tayo sa panahon ng pagsubok. Inilalarawan ng Bibliya ang mga pagsubok na ito na parang pagtawid sa apoy, katulad sa isang pugon na sinusubok ang nilikha ng magpapalayok. Lahat tayo ay sinusubok sa buhay; at sa pamamagitan ng mga pagsubok na ito tayo lumalago… Kapag ang puso ng mga tao ay sinusubok, nagiging maláy ito sa kung anong humahawak dito. Nadarama rin nila ang presensya ng Panginoon, na Siyang matapat at tumutugon sa pagtangis ng tao.

Mga Kapanalig, ngayong mga Mahal na Araw, maglakas-loob tayong mangarap—mangarap na darating din ang ating muling pagkabuhay.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 9,358 total views

 9,358 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 42,021 total views

 42,021 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 47,167 total views

 47,167 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 89,354 total views

 89,354 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 104,868 total views

 104,868 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

50-pesos na wage hike, binatikos

 3,512 total views

 3,511 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »

RELATED ARTICLES

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 9,359 total views

 9,359 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 42,023 total views

 42,023 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 47,169 total views

 47,169 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 89,356 total views

 89,356 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 104,870 total views

 104,870 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 115,180 total views

 115,180 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 124,289 total views

 124,289 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 108,453 total views

 108,453 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 127,558 total views

 127,558 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 134,212 total views

 134,212 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »
Scroll to Top