Cardinal Advincula, hiniling ang suporta at dasal ng mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 640 total reads

Hiniling ni Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula sa mananampalataya ng Arkidiyosesis ng Manila ang suporta sa pamamahala nito.

Ayon kay Cardinal Advincula, mahalaga ang pagtutulungan sa pamamahala ng arkidiyosesis sapagkat malaking hamon ang kaakibat sa pamamahala sa highly urbanized area tulad ng Manila.

“For me who was never been assigned in a highly urbanized area, this task is very challenging and quite overwhelming, so I need all the support of the clergy, the persons in consecrated life and the lay people of the archdiocese [Manila],” pahayag ni Cardinal Advincula sa panayam ng Radio Veritas.

Hiniling din ng bagong talagang arsobispo sa mananampalataya ang patuloy na panalangin at pasasalamat sa Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa pagkakataong makapaglingkod sa Arkidiyosesis ng Maynila.

Marso 25 nang hirangin ng Santo Papa si Cardinal Advincula bilang ika – 33 arsobispo ng Maynila kahalili ni Cardinal Luis Antonio Tagle na itinalagang Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples sa Vatican noong 2019.

Sinabi ng Cardinal na higit ipinagdasal nito ang mananampalataya ng arkidiysosis mula nang tanggapin ang bagong misyon.

“Since the day I accepted the nomination, I have started to pray especially for the people of the archdiocese [Manila]; so may I ask the people also to pray for me that I will be a good shepherd after the heart of Jesus,” ani Cardinal Advincula.

Tiniyak din ng Cardinal ang patuloy na panalangin para sa mananampalataya ng Arkidiyosesis ng Capiz kasabay ng kahilingang ipagdasal ang kanyang bagong misyon.

Sa pagkakatalaga ni Cardinal Advincula sa Arkidiyosesis ng Maynila, lima ang nanatiling sede vacante ang Diyosesis ng Alaminos, Malaybalay, Arkidiyosesis ng Capiz, mga Apostolic Vicariate ng San Jose sa Mindoro at Taytay sa Palawan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 20,035 total reads

 20,035 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 20,162 total reads

 20,162 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 36,384 total reads

 36,384 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 92,790 total reads

 92,790 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 216,291 total reads

 216,291 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 299,894 total reads

 299,894 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top