Magna Carta on Religious Freedom Act, pasado sa Mababang Kapulungan ng Kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,213 total reads

Sa botong 256, isang pagtutol at tatlong abstentions ipinasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang panukalang batas na Magna Carta on Religious Freedom Act o ang HB 6492.

Sa ilalim ng panukala, hindi dapat maging hadlang ang karapatan ng isang tao na ipahayag ang kaniyang pananampalataya maliban na lamang sa karahasan at kaligtasan ng publiko.

“It is the declared policy of the State to protect and uphold the fundamental and inalienable right of every person to freely choose and exercise one’s religion and beliefs and to act and live according to one’s conscience,” sa pahayag ng mga mambabatas.

Layunin ng panukala na maipatupad ang Section 5 ng article 3 ng 1987 Constitution na nagtatadhana na ‘walang batas na magbabawal sa pagtatag ng relihiyon o pagbabawal sa kalayaang ipahayag ang kaniyang paniniwala.

“The right of every Filipino to profess, practice, and propagate religious beliefs must always be recognized, respected, allowed, and protected,” ayon sa mga mambabatas.

Sakop din ng panukala ang pangangalaga sa 12 karapatan, kabilang na ang karapatang pumili ng relihiyon, magpalaganap ng paniniwala, pagsamba, mga organisasyon, kalayaan laban sa diskriminasyon, at tax exemption.

Ang HB 6492 ang kabilang sa mga panukala sa kamara sa ilalim ng liderato ni Speaker Martin Romualdez na naipasa sa huling pagbasa sa unang araw ng pagbabalik ng sesyon makaraan ang holiday break ng kongreso.

Sa panig ng simbahan, naninindigan ang Santo Papa Francisco na ang karapatan sa pananampalataya ay hindi dapat maging dahilan ng kaguluhan at karahasan sa halip ay paggalang sa paniniwala ng bawat indibidwal.

Kasama sa mga may akda ng panukalang batas sina Camarines Sur Reps. Luis Raymund F. Villafuerte, Jr., Miguel Luis R. Villafuerte, Tsuyoshi Anthony G. Horibata at Gabriel H. Bordado, Jr.; BICOL SARO Party List Rep. Nicolas V. Enciso VIII, CIBAC Party List Rep. Eduardo C. Villanueva, Manila Rep. Bienvenido M. Abante, Jr., Tarlac Rep. Noel N. Rivera, Maguindanao and Cotabato Rep. Bai Dimple I. Mastura, and Majority Leader Manuel Jose M. Dalipe.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 76,918 total reads

 76,918 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 108,657 total reads

 108,657 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 210,483 total reads

 210,483 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 251,042 total reads

 251,042 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 268,381 total reads

 268,381 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top