PNP-Chaplain Service, nakikiisa sa Week of Prayer for Christian Unity

SHARE THE TRUTH

 1,479 total views

Nagpahayag ng pakikiisa ang Philippine National Police – Chaplain Service sa pagsagawa ng ‘Pitong Araw na Pananalangin para sa Pagkakaisa ng mga Kristiyano’ o Week of Prayer for Christian Unity 2023.

Ayon kay PNP-Chaplain Service Director Police Brigadier General Msgr. Jason Ortizo, mahalaga ang pagkakaisa ng mga Kristiyano at iba pang pananampalataya.

“Of course talagang patuloy ang ating suporta diyan ang pagkakaisa ng mga Kristiyano at sa iba pang mga pananampalataya, sa iba pang paniniwala at magkaisa tayong lahat dahil isa lang naman ang sinasamba nating Diyos, ang Diyos po nating lahat at kung saan tayo ay nagmula.” pahayag ni Msgr. Ortizo sa Radio Veritas.

Nilinaw naman ni General Ortizo na hindi lamang basta ecumenism ang isinusulong ng PNP-Chaplain Service sa PNP sa halip ay ang interfaith para sa lahat ng denominasyon at relihiyon.

Tiniyak ni General Ortizo na bukas ang ahensya para sa lahat ng mga paniniwala at pananampalataya.

“Ang PNP ay hindi lang actually ecumenism but we are interfaith, hindi lamang ang pinapalaganap namin hindi lamang pagkakaisa sa mga Kristiyano but interfaith sa lahat po ng relihiyon. Dagdag pa ni General Msgr. Ortizo.
Tema ng Week of Prayer for Christian Unity 2023 o Pitong Araw na Pananalangin para sa Pagkakaisa ng mga Kristiyano ang ‘Do Good. Seek Justice’ na layuning pagbuklurin ang pamayanan sa kabila ng pagkakaiba ng pananampalataya tungo sa iisang hangaring maging lingkod ng Panginoon.

Batay sa tala ginagabayan ng PNP-Chaplain Service ang buhay espiritwal at moral ng may humigit kumulang sa 227,000 kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa buong bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BICAM OPEN TO PUBLIC

 20,530 total views

 20,530 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 39,502 total views

 39,502 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 72,167 total views

 72,167 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 77,179 total views

 77,179 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 119,251 total views

 119,251 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top